[Click here to go to World Challenge Pulpit Series multilingual site] Ang Lihim ng Kalakasang Espiritual (The Secret of Spiritual Strength) ------------------------------------------------------------------------ Plain Text File + Related Bible Study + Home Page + Subscribe + Copyright ------------------------------------------------------------------------ By David Wilkerson January 29, 2001 __________ Ang propetang Isaias ay nagsabi "sa aba ng mga mapanghimagsik na mga anak, sabi ng Panginoon" (Isaias 30:1). Ang salitang Hebreo para sa "woe" o "aba" dito ay nagpapahiwatig ng malalim na kalungkutan at paghihinagpis. Ano ang ginawa ng mga tao ng Dios para siya ay masaktang malalim. At bakit niya tinawag silang mapanghimagsik? Pagkatapos ng lahat, ang mga ito ay may Dios; sila ay kaniyang mga anak. Ano ang napakasamang kasalanan ang nagawa nila na naging dahilan para sabihan silang silay mga mapanghimagsik? Ang ginamit na salita ni Isaias para sa mapanghimagsik ay may kahulugang pagtalikod, katigasan ng ulo, ang paglayo. Ano, "mismo" ang tinatakasan ng mga ng Dios? At ano ang dahilan ng kanilang pagtalikod? Matatagpuan natin ang kasagutan sa susunod na saknong "(Sila) nagsisisanguni, ngunit hindi sa akin, at nag-aalay ng alay, ngunit hindi sa aking Espiritu, (30:1)." Ang saknong "nagaalay ng alay" dito ay may kahulugang sila ay nagbubuo ng mga sarili nilang plano. Sa madaling sabi, sabi ng Dios, "Ang mga tao ko ay hindi nanghihingi ng aking mga payo". Sa halip, sila ay sumandal sa braso ng laman. At sa tuwing sila ay gumagalaw na hind ako sinasanguni, lumalapit sa mundo para sa tulong, sila ay nagdaragdag ng kasalanan sa kasalanan. Kinalimutan na nila ang pagtitiwala sa malakas na braso ng Panginoon" Sa ngayon, iniisip natin na ang paghihimagsik ay ang pagtanggi na sundin ang salita ng Dios at paggamit ng bawal na gamut, alkohol, pakikiapid o iba pang mga lahat na kasalanan. Ngunit ang paghihimagsik na tinutukoy ng Dios dito ay mas malala sa mga bagay na ito. Ang sinasabi ng mga tao ng Dios "Huwag na nating gambalain pa ang Dios sa bagay na ito mayroon na tayong katalinohan at kakayanang gawin ito sa ating sarili". Ngunit alam na alam ng mga tao ng Dios na dapat silang magtiwala sa Panginoon sa bawat sitwasyon, kahit na gaano pa kawalang halaga. Ang mga awit ay patuloy na nagpapaalala sa kanila ng ganito: "Napaka mahalaga ng inyong kagandahang loob, Oh Dios! At ang mga anak ng mga tao ay nanganganlong sa ilalim ng iyong mga pakpak". (Mga Awit 36:7). "Ang aking kaluluwa ay nanganganlong sa iyo. OO, sa ilalim ng iyong mga pakpak ay manganganlong ako" (57:1). Naging katulong kita, at sa lilim ng mga pakpak moy magagalak ako" (63:7). Ngayon ang mga tao ay Dios ay humaharap sa isang malaking krisis. Ang mga "Asiria" ay nagpahiwatig ng giyera sa "Juda" at ang makapangyarihang kaaway ay mabilis na dumarating na may libo-libong karo. Ito ay siyang ina ng lahat ng krisis sa Juda. Ang kalagayan nila ay mukhang totoong walang pag-asa. Ngunit ang Juda ay hindi lumingap sa Panginoon sa kanilang krisis. Hindi nila pinansin ang Dios at sumandal sa halip sa mga kanilang mga sariling talino. Una, sila ay nagpadala ng emhador sa Egipto para humiling ng sundalo ni Faraon, mga kabayo para sa labanan. At sinubukan nilang suhulan ang Egipto para lumaban sa Asirians para sa kanila. Sa madaling sabi, sila ay humingi ng lakas mula sa masasama: (Sila) ay pumunta sa Egipto, at hindi humingi sa aking mga bibig; para palakasin ang kanilang sarili sa lakas ni Faraon, at magtiwala sa lilim ng Egipto"! (Isaias 30:2). Ako ay nagtataka bakit wala sa puno ng Juda ang nagtanong, "ano ang ginawa ng ating maka-Dios na mga ama sa nakakatakot na panahong yaon? Pagkatapos ng lahat, mayroon tayong kasaysayan ng pagkapanalo. Saan sila humingi ng payo? Paano sila humingi ng tulong sa panahon ng pangangailangan? Maari nilang maalala ang kalagayan ni David; noong ang mga sundalong Filisteo ay nagsidating sa libis ng Rephaim. Si David ay katatapos lamang na pahiram ng langis ng maging hari sa buong Israel, at hindi niya alam kung ano ang gagawin. Ang sabi ng Biblia, si David ay sumanguni sa Dios, na nagsasabi, "Aahon ba ako laban sa mga Filisteo? At iyo bang ibibigay sila sa aking kamay? " (1 Mga Cronica 14:10). Si David ay sumanguni sa Panginoon lamang para sa kanyang gagawin. Hindi niya hiningi ang payo ng alin mang tagapagpayo, kahit na siya ay maraming matatalinong tauhan sa paligid niya (at sabi ng banal na kasulatan na may katalinuhan sa maraming tagapayo). Ngunit si David ay tumango sa Dios sa panalangin, nagtanong ng mismong patnubay. At ibinigay ng Panginoon sa kanya: "Ang Panginoon ay nagsabi sa kanya, umahon ka, sapagkat aking ibibigay sila sa iyong kamay". (14:10). Pinagpala ng Dios si David ng napakabuting tagumpay, dahil siya ay nagtanong sa Panginoon. Ngunit ang Filisteo ay biglaang nagbago ng grupo. Ngayon sila ay bumalik sa Israel na may bagong mga sundalo. Sa puntong ito, maaring mangatuwiran si David, "Ang paraan ng ibinigay ng Dios laban sa kaaway ay mabuti noong una. Gagamitin natin ang parehong plano". Ngunit si David ay tumangging umasa sa anomang bagay maliban sa sariwang salita ng Dios. Magkaganoon man, si David ay nagtanong muli sa Dios; at nagsabi muli ang Dios, Huwag kang aahong kasunod nila" (14:14, italics sa akin). Naniniwala akong walang parehong plano ang Dios. At may panibagong plano ang Panginoon kay David dito. Sinabi ng Dios sa kanya, "At pumaroon ka sa kanila sa tapat ng mga puno ng morales. At mangyayari , na pagka iyong narinig ang hugong ng lakad sa mga dulo ng mga puno ng morales, na ikaw ay lalabas sa pakikipagbaka sapagkat ang Dios ay yumaon sa unahan mo upang saktan mang hukbo ng mga Filisteo." (14:14-15). Tinatanong kita: anong payong militar ang magbibigay ng gayong payo. At sino ang maniniwala ng ganoong payo, kapag narinig iyon? Nakikinita ko na ang kapitan ng Israel ay magsasabi, "David, ang sinasabi mo na dapat tayong maupo lamang at makinig sa hugong ng hangin sa ilang mga puno? Yaon kung kailan dapat nating atakihin ang Filisteo, at umasang ibibigay sila sa ating mga kamay? Naloko ka na ba? Ang Dios ay may mga paraang mahigit a sa makataong paraan. Ang plano Niya ay parang totoong kalokohan sa mata ng tao. Pero ang Diyos ay nagtatrabahong may kahiwagan sa pamamagitan ng ating pag-sunod sa mga salita na may pananampalataya: "At ginawa ni David ang iniutos sa kanya ng Dios: at kanilang sinaktan ang mga hukbo ng mga Filisteo" (14:16). Si Asa ay hari ng sila ay atakihin ng milyong mga hukbo ng Etiopia, nag-dala ng maraming karo at mga mangangabayo. "At si Asa ay dumaing sa Panginoon niyang Dios, at kanyang sinabi, Panginoon, walang iba liban sa iyo na makatutulong, sa pagitan ng makapangyarihan at niya na walang lakas: tulungan mo kami, Oh Panginoon naming Dios: sapagkat kami ay nagsisitiwala sa iyo, at sa iyong Pangalan ay kami ay nagsisiparito laban sa karamihang ito" (II Mga Cronica 14:11). Si Asa ay dumaing, Panginoon, inilalaay ko ang tiwala ko sa iyo". Narito ang makadios na hari "At gumawa si Asa ng mabuti at matuwid sa harap ng mga mata ng Panginoon niyang Dios" (14:2). Si Asa "at iniutos sa Juda na hanapin ang Panginoon, ang Dios na kanilang mga magulang, at tuparin ang kautusan at ang utos". (14:4). Nang dumating ang krisis, si Asa ay deretsong pumaroon sa Dios sa panalangin. Hindi siya nagtipon ng komete para ubusin ang mga araw para magplano. Marami siyang mga matatalinong tao para gamitin niya- sundalo, politico, taga-plano, mga tagapayo pero dumaing muna siya sa Dios. Nanalangin si Asa, "Panginoon, ano ang gagawin ko?" Sumagot ang Dios kay Asa, sa pagkapanalo ng Juda na kahiwa-hiwaga. "Sa gayoy sinaktan ng Panginoon ang mga taga Etiopia sa harap ni Asa, at sa harap ng Juda" (14:12). At dumating na naman ang isang krisis. Naniniwala akong ang pagsubok na ito ay upang subukan ang pananampalataya ni Asa. Sabi ng salita ng Dios, ang Israel ay umahon laban sa Juda" (16:1), at itinayo ang Rama. Pero si Asa ay hindi na muli dumaing sa Panginoon, na kagaya ng ginawa ni David. Sa halip, gumawa siya ng sarili niyang plano. Ang katuwiran niya, "na ang milyong mga tao, puwersiya mula sa Etiopia ay iba ng bagay. Kailangan ko ng Dios noon. Pero ang sundalo sa Israel ay hindi malaking bagay. Kaya ko ito sa sarili ko". Paano ang plano ni Asa para sa kasagutan sa problema niya? Sinubukan niyan g suhulan ang Siria para labanan ang Israel. Kumuha si Asa ng ginto at pilak mula sa kayamanan ng templo at mula sa kanyang ari-arian para gamitin na pang-suhol. At nagpadala siya ng mga embahador para himukin ang hari ng Siria, Banhadad, para sirain ang mapayapang pagtitinginan nila at ng Israel at labanan sila. Ang plano ay mukhang nagtagumpay. Ang Siria ay lumaban sa Israel, iniwan ng Israelitas ang Rama, at kinuhang muli ni Asa ang ciudad. Ang panariling plano ni Asa, na totohanang binali wala ang Dios, ay parang tagumpay. At pinuri ng hari ang sarili sa katalinuhan niya. Pero ang Dios ay nalungkot. Sinabi niya kay Asa "Sapagkat ikaw ay nagtiwala sa hari ng Siri ay hindi ka nagtiwala sa Panginoon mong Dios, kayat ang hukbo ng hari sa Siria ay nagtanan sa iyong kamay. Hindi ba ang mga Etiopia t ang mga lubim ay makapal na hukbo, na may mga karo at mangamgabayo na totoong marami. Gayon may sapagkat ikaw ay nagtiwala sa Panginoon, ibinigay sila sa iyong kamay.. Ikaw ay gumawang may kamangmangan; sapagkat mula ngayoy magkakaroon ka ng pakikidigma". (16:7-9). Ang sinasabi ng Dios, "Asa minsan umasa ka sa akin. At dahil sa pagtitiwala mo, ibinigay ko ang maraming hukbo sa kamay mo. Pero ngayon nagtiwala ka sa iyong talino at sa Siriano; Alam mong hindi paraan, at hindi ko ito papayagan. Ikaw ay naging mangmang, Asa. At mula ngayon, hindi ka magkakaroon ng kapayapaan, kundi pakikipagdigma". Marami sa atin na katulad ni Asa. Nakatanggap tayo ng malaking tulong mula sa Panginoon, at pinasalamatan natin siya "Panginoon mula ganon, hindi ako pupunta saan man o gagawa ng anoman na hindi magtatanong sa iyo. Ako ay mananalangin sa lahat ng bagay. Pero dumating na naman ang panibagong krisis, at biglaang nabago ang mga bagay-bagay. Palagay natin ay makakaasa tayo sa ating lumang plano at tagumpay. At nagtatapos tayong kinukuha nating ang bagay-bagay sa anting mga kamay. Pinanapayagan ng Panginoon ang ating gawa-gawang plano pansamantala. At pagkatapos, nalilito na tayo. Puwede kang tumutol, "Binigyan ako ng Dios ng mabuting isip, at dapat na gamitin ko ito. Gusto niyang isipin ko ang mga bagay-bagay. "OO, pero lamang pagkatapos tumaggap ng dereksiyon mula sa panalangin. Hindi natin kailanman makukuha ang isip ng Dios sa pag-asa sa sariling pangangatuwiran. Nagsabi si Apostol Pablo sa atin na ang isip ng laman ay hindi maaring makaunawa sa kaisipan ng Espiritu. (Mga Taga Roma 8:5-7). Sabihin nating ikawy nag-iisa pa, at ikaw ay nanalangin sa Dios na magpadala ng makakasama sa buhay mo. Ito ay mabuting bagay. Pero sa pag-daan ng panahon ikaw ay naiinip na sa panahon ng Panginoon. Nag-antay ka sa Panginoon, pero ang tamang tao ay hindi pa rin dumarating. Kayat itinalaga mo na ang iyong mata sa isang tao, at maya-maya ay gumagawa ka na nag paraan para mahuli siya. Maari mong makuha ang makakasama mo. Pero katulad ni Asa, maaring magkaroon ka ng kaguluhan, na walang kapayapaan. Magbabayad ka ng mabigat na kabayaran na hindi mo iniisip, katulad ng galit, hindi pagkakaunawaan at kalituhan. Mas masama pa, nalulungkot mo ang Panginoon. Maririnig mo ang galit niya sa iyo. Kayat ang lakas ni Faraon ay magiging inyong kahihiyan, at ang pagtitiwala sa lilim ng Egipto ay inyong pagkalito". (Isaias 30:3). Sasabihin niya, "nagtiwala ka lakas ng laman, kahit na pinaalalahanan kita na ang gagawin mo ay kalokohan. Ngayon magbabayad ka ng halaga sa hindi totohanang pagtitiwala sa akin sa lahat ng bagay. Matatapos kang may kalungkutan at kalituhan". -------------------- Sinabi ng Dios kay Isaias na isulat niya ang kalungkutan niya sa panghihimagsik ng Juda. -------------------- Ngayony yumaon ka, isulat mo sa harap nila sa isang tapyas na bao, at ititik mo sa isang aklat iyang upang manatili sa panahong darating na walang hangaan." (Isaias 30:8). Ang sinasabi ng Dios, nais ko na bawat saling-lahi, mula ngayon hanggang sa wakas ng panahon, na malaman ang aking malalim na kalungkutan sa ibabaw ng ganitong uri ng paghihimagsik. Isulat mo ito, Isaias, upang lahat ng tao, sa lahat ng panahon, ay maunawaan ng kalungkutan ko kapag nagtitiwala sila sa makamundong pananaw at hindi sa akin". Ang paghihimagsik na sinasabi ng Dios dito ay ang akto ng patanggi, ang paglaban sa kabuon ng kanyang kapangyarihan sa buhay natin. Ito ay pagtanggi na hanapin ang kaisipan niya sa lahat ng bagay. Ito ay hindi lamang sa malaking bagay sa buhay, pero ganoon rin sa maliliit; pang familiang bagay, mga sakit kalooban, panariling mga alalahanin. At nasasakop nito ang bawat aspect ng ating pagkatao - Espiritual, pangangatawan, at kaisipan, lahat Paghihimagsik laban sa Dios na alintuninin ng may kahulugang, "magagawa ko ito sa sarili ko. Hindi ko na dapat gambalain ang Dios". Pero gusto ng Dios na ginagambala. Sa madaling sabi, kung hindi mo sinasanguni ang Panginoon sa lalat ng patnubay kung hindi na dumaraing sa dereksiyon, kung hindi ka na nagtitiwala sa kanyang katapatan, kung gumagawa ka ng mga bagay para mangyari sa sarili mo, ikaw ay naghihimagsik, sinasabi ng Panginoon, "aking iniunat ang aking mga kamay buong araw sa mapaghimagsik na bayan, na lumalakad sa daan hindi mabuti, ayong kanilang sariling mga Pag-iisip" (Isaias 65:2). Sa liwanag ng pagbababala ng Dios, tanungin mo ang sarili mo: possible kayang ikaw ay naghihimagsik, laban sa Panginoon. Kahit na sa gitna ng iyong pagdedebosyon, pag-pupuri at matuwid na lakad. Nanalangin ka, ng-aayuno at matapat nagsisimba. Maaari kayang mayroong nitong klase ng paghihimagsik sa buhay mo? Maari kayang kaya ikaw ay humaharap sa labanan sa buhay mo, familia, at hanapbuhay? Tinatanong ko rin ang mga minitro. Kailan ka, tiningnan ng Panginoon, sinasabi ba niyang, "Anak ko, kung minsan gumagawa ka ng gawa para sa Panginoon na hindi mo ako sinasanguni. Nais kong maging kasali sa lahat, mula sa buhok mo pati sa talampakan mo. "Kung hindi ka nanghingi sa bibig ko" o pakpak, ikaw ay nasa haghihimagsik". Gusto ng Panginoon na maging tagapag-ingat natin. "Narito, siyang nag-iingat ng Israel hindi iidlip ni matutulog man. Ang Panginoon ang tagapag-ingat sa iyo" (Mga Awit 121 4-5). Sa salitang Hebreo para sa tagapag-ingat ay bantay, sanggalang, director, . Ang Panginoon natin ay nakabantay, tagapagsanggalang na ama na naliligayahan na pag-ingatan panatilihing mabuti ang kanyang mga anak. Sa Exodo pinahayag ng Dios ang sarili niya sa Israel sa bagong pangalan: Manibughuin. "Sapagkat ang Panginoon na ang pangalan ay mapanibughuin; ay mapanibughuin ngang Dios: (Exodo 34:14). Pansinin na ang Pangalang ito ay ipinahayag na napapaloob sa paalala; "sapagkat hindi ka sasamba sa ibang dios". Noong panahon na ang Israel ay pumaroon sa "mataas na lugar", o ang dambana ng dios-diosan, para humanap ng dereksiyon. Binigyan nila ang Panginoon ng paglilingkod mula sa mga labi sa kung ito ay sa paghingi ng tulong at patnubay. Ito ay pagsamba sa dios-diosan, sa madaling sabi. Dios lamang ang nakakaalam ng kinabukasan. At kapag ang tao ay bumabaling sa kung anong bagay maliban sa pantubay ng Dios, sinasamba niya ang bagay na iyon. Ito ay totoo sa anomang pag-sangguni sa manghuhula, sa mga bumabasa ng kapalaran mula sa mga bituin. Sa anomang umaasa ka ng tulong, sinasamba mo. Ginagawa mo itong dios. Ang Panginoon ay totoong mapanibughuin sa kanyang pag-iingat sa atin. At pinagagalitan natin siya sa tuwing hindi tayo humihingi sa kanya lamang ng tulong. Pinatay ng Dios si Haring Saul sa mimsmong ganintong kasalanan ng paghihimagsik: Sa gayoy namatay si Saul dahil sa kaniyang pagsalangsang sa kaniyang nagawa laban sa Panginoon, dahil sa salita na Panginoon na hindi niya iningatan; at dahil naman na siyay nakipagsanggunian sa masamang espiritu, upang pagsiyasatan; at hindi nagsiyasat sa Panginoon; Kayat pinatay niya siya, (I Mga Cronica 10:13-14). Maliwanag ang salita ng Dios: Ang kamalian ni Saul ay ang paghanap ng payo sa iba sa halip sa pagtatanong sa Panginoon. At pinatay ng Dios siya para doon. -------------------- Papunta na tayo sa lihim ng lakas na Espiritual -------------------- Inilista ni Isaias ang masasamang bagay na bunga ng pantanggi ng Juda na magtiwala sa Dios bilang kanilang tagapag-ingat: "Sapagkat mapaghihimagsik na bayan, mga sinungaling na ank, mga anak na hindi didinig ng kautusan ng Panginoon: Na nagsabi sa mga tagakita, Huwag kayong kumita; at sa mga propeta, Huwag kayong manghula sa amin sa mga matuwid na bagay, magsalita kayo sa amin ng mga malubay na bagay, manghula kayo ng mga magdarayang bagay." (Isaias 30:9-10). Ang panghuli, si Isaias ay nagsabi na ang Dios ay magbubuwag ng lahat nilang panangalang; "Kayat ang kasamaang ito aymagiging sa inyoy gaya ng btong sira na madaling mababagsak, na natatangal sa isang matayog na pader, na biglaang dumarating ang pagkasira sa isang sandali. At yaoy kaniyang babasagin na gaya ng bagbasag ng palyok ng magpapalyok, na nabbasag na ptol-putol na walang matitira; na anopat walang masusumpungan na kapiraso sa mga putol niyaon, na makukuha ng apoy mula sa apuyan, o maikakadlo ng tubig sa balon." (Isaias 30:13-14). Ang sinasabi ng Dios, aking pagbabasag-basagin na pira-piraso ang bawat maling bagay na iyong inaasahan. Ang plano mo ay babagsak." Subalit inihayag ni Isaias ang kahabagan ng puso ng Dios sa kanyang mga tao. Namamanhik siya kay Juda, "Hindi ka na dapat mamuhay sa kalituhan. At hindi mo na dapat tiisin ang biglaang pagkabasag na ito. " Sapagkat ganito ang sabi ng Panginoong Dios, ng Banal na Israel, sa pagbabalik at sa pagpapahinga ay matitiwasay kayo; sa katahimikan at sa pag-asa ay magiging ang Inyong lakas." (30:15). Dito, sa madaling sabi, ay ang lihim ng Dios sa lakas na Espiritual: " Sa Katahimikan at sa pag-asa ay magiging ang inyong lakas". Ang salitang Hebro sa katahimikan ay may kahulugan palagay. Ibig sabihin ay panatag ang loob, wlang alalahanin, palagay ang loob, namamahinga may nakaalalay sa ilalim. Hindi maraming Kristiano sa ngayon ang mayroon itong uri ng kahahimikan at pagtitiwala. Maraming-marami mananampalataya ay kasali sa mga kinalokohang gawain, masyadong nagmamadali para makakuha ng kayamanan, ari-arian, layaw ng katawan. Kahit na sa ministry, ang mga naglilingkod sa Dios ay nag-aalala, natatakot, naghahanap ng kasagutan sa mga "conferences, seminars" or mga kilalang aklat. Bawat isa ay nag-nanais ng pantubay, kasagutan, bagay na magpapatahimik sa kaluluwa. Ngunit hinahanap nila ito sa bawat pagkukunan maliban sa Panginoon. Hindi nila napag-iisipan na nagsalita na ang Dios sa kanila, sa pamamagitan ni Isaias: Kapag sila ay hindi sila lumapit sa kanya para sa pangangailangan ng tulong, ang kanilang pagsisikap ay mauuwi sa kalungkutan at kalituhan. Ipinaliwanag ni Isais kung ano ang katuwiran ng Dios na dapat na matupad sa atin: "At ang gawain ng katuwiran ay magiging kapayapaan, at ang bunga ng katuwiran ay katahimikan at pagtitiwala kailan man: (Isaias 32:17). Kung totohanang lumalakad tayo sa katuwiran, ang ating mga buhay ay magdadala ng bungang na may kapayapaang espiritu, kahahimikan ng puso at kapayapaan sa Dios. Nagsalita si Apostol Pedro ng "Kundi ang pagkakataong natatago sa puso na may damit na walang kasiraaan ng espiritung maamo at payapa, na may malaking halaga sa panining ng Dios." (1 Pedro 3:4). Ang ganitng espiritu ay wlang kinalalaman ang paguugali o pagkatao. Pagkatapos ng lahat, ang ibang tao ay may natural na ugali na pagiging mapayapa at mahiyain, samantalang ang iba ay parang maysaki. Hindi, ang mapayapang espiritu na binabanggit ni Pedro ay maari lamang itanim sa atin ng Banal na Espiritu. At ibinigay niya ito sa bawat isang nagtitiwala sa Panginoon sa lahat ng bagay. Subalit, habang umikot ang paningin ni Isaias sa paligid, nakita niya ang mga tao ng Dios na tumatakbo sa Egipto para sa tulong, nagtitiwala sa tao, nag-sisiasa sa kabayo at mga karo. Nagbabala ang propeta, ang Egipcio nga ay mga tao, at hindi Dios; at ang mga kabayo ay laman, at hindi diwa at pagka iunat ng Panginoon ang kaniyang kamay, siyang tumutulong ay matitisod, at gayon din siyang tinutulungan ay mabubuwal, at silang lahat ay magalilipol na magkakasama, (Isaias 31:3). Ang maga embahador ay dumating at umaalis. Ang mga namumuno ay nagdaraos ng pag-pupulong. Bawat isa ay nalilito, nanaghoy, aong magagawa natin. "Ang Asirians ay uubosin tayo." Ngunit tiniyak ni Isaias sa kanila, "Hindi dapat na ganito. Bumalik kayo sa pagtalikod ninyo sa Dios. Mag-sisi kayo sa paghihimagsik ng pagtitiwala sa iba. Bumalik sa Panginoon, at babalutan ka ng kumot ng kapayapaan. Bibigyan ka ng katahimikan at kapahingan sa gitna ng mga bagay na iyong hinahaap". ------------------------------- "Ang Banal na Espiritu ay nagbibigay ng lakas kapag ipinaubaya natin ang lahat ng ating Pangangailangan sa kamay ng Dios at magtiwala sa kanyang kahiwagaan". ------------------------------- Si Ruth ay halimbawa ng ganitong uri ng pagtitiwala. Pagkatapos na mamatay ang asawa niya, si Ruth ay tumira sa kanyang beyenang babae, Naomi, na may katandaan na. Si Naomi ay ay nababahala sa kalagayan ni Ruth at nais na matiyak ang kinabukasan ng kanyang manugang na babae. Pinagpayuhan niyang mahiga siya sa paanan ng mayamang si Boaz at hilingin na punuan ang obligasyon sa kanya bilang isang kaanak. At nang si Boaz ay makakain at makainom, at ang kanayang puso ay maligayahan, siyay yumaong nahiga sa dulo ng bunton ng trigo, (Ruth 3:7) at siyay naparoong marahan, at inalisan ng takip ang kaniyang mga paa, at siyay nahiga. Siyang sa hatinggabi, na ang lalake ay natakot at pumihit: at, narito, isang babae ang nakahiga sa kanyang paanan. (Walang malaswang bagay sa pagtungo ni Ruth doon, ito ay naging kaugalian na noong panahong yaon). Sinabi ni Ruth sa kaniya, "iladlad mo nga ang iyong kumot sa iyong lingkod; sapagkat ikaw ay malapit na kamag-anak." (3:9) Ang ibig niyang sabihin "maari mo bang akoin ang obligasyon ng bilang isang kaanak sa akin? Maari mo bang akong pakasalan?" Ngayon, hindi ito pamamaraan para gamitin ang isang tao. Si Ruth at si Naomi ay gumawa ng lahat ng bagay na may kaayusan mula sa langit. Matitiyak natin ito, dahil si Cristo ay nagmula sa lahi ni Ruth. At nang siyay pumaroon sa kanyang beyenan, ay sinabi niya, ano nga, anak ko? At isinaysay niya sa kaniya ang lahat ng ginawa sa kaniya na lalake (3:16). Tinanong niya, sa madaling sabi, "Tatawagin na ba kitang "nakipagkasundo na Ruth? o balo ka pa rin? Sinabi ni Noemi ang lahat ng nangyari. Ngayon nakikinig sa payo ng makadios na beyenan. "Maupo kang tahimik, anak ko, hanggang sa iyong malaman kung paanong kararatnan ng bagay: sapagkat ang lalakeng yaon ay hindi magpapahinga, hanggang sa kaniyang matapos ang bagay sa araw na ito, hinahanap ang patnubay ng Dios. At binigyan siya ng payo ng Dios. Pinaalalahan siya ng batas tungkol sa pagliligtas ng kaanak ( na parang uri ng ginawa ni Cristo). Kayat si Noemi ay panatang na si Ruth ay tumupad sa kanyang bahagi. Ngayon panatag na para maupo at magtiwala sa Dios na gawin ang kaniyang ipinangako. Sinasabi niya, "Nasa kamay na ng Paginoon ang lahat, Ruth. Mag relaks ka na lang at maging payapa. Ang Dios ay makalangit na kikilos sa iyo. Kayat hindi ka na dapat mag-alala o gumawa ng ano mang bagay. Hayaan mong ang katahimikan at katatagan ang iyong maging lakas. Hindi papahingain ng Dios si Boaz hanggang hindi siya nag-lalagay ng sing-sing sa mga daliri mo. Ang tahimik at kapayapaan ang namamalagi sa tahanan ni Noemi. Walang kalokohan, kinakagat ang mga kuko at nagtataka. "Gagawin kaya ng Dios? Kailan ito mangyayari? "Itong dalawang matatapat na mga babaeng ito ay maari ng magrelaks, umawit at mag-puri sa Panginoon sa kabutihan niya. Ano ang inyong tahanan? Ang tahanan mo ba ay isang mapayang tirahan? O ito ay lugar ng pagdududa, pagtatanong, pag-aalala, at walang kapayapaan? Tumatakbo ka ba kung saan-saan, nag-aalala, "Paano ko babayaran ang mga utang ko"" Kapag dumating ang pagsubok, lumalapit ba ikaw sa Dios na may pagtitiyaga bago sa ibang paraan? Tapos sinusunod mo ba ang bawat sabihin niya sa yo? At ang panghuli, ikaw ba ay, mapayapa, nagtitiwala sa kanya sa kasagutan? Kung ganoon, ang tahanan mo ay isang tahimik at mapayapa. ------------------------------- "Isinulat ni Isaias ang magagandang bagay na darating sa maga nagtitiwala at nag-aantay sa Panginoon sa lahat ng paraan" ------------------------------- "Mapapalad yaong lahat na naghihintay sa kaniya. Ikaw ayhindi na iiyak pa; siyay tunay na mpagbiyaya s aiyo sa tining ng iyong daing, at ang iyong mga pakinig ay makakarinig ng salita sa likuran mo, na nagsasabi, Ito ang daan, lakaran ninyo; pagka kayoy pumipihit sa kaliwa. Kayoy mangagkakaroon ng awit na gaya ng sa gabi at kasayahan ng puso" (Isaias 30:18- 19, 21, 29). Ang sinasabi ni Isaias, "kung mag-aantay lang kayo sa Panginoon Kung kayo lang ay dadaing sa kanya muli, at bumalik sa pagtitiwala sa kanya gagawin niya ang lahat sa iyo. Sinabi ko na at marami pa. Maaaring magsalita lang ang Dios at ang mga kaaway ay mangangatog na sa harap niya: Sapagkat sa pamamagitan ng tinig ng Panginoon ay mangagkakawatak-watak ang taga Asiria (30:31). Mga minamahal, walang bagay na ang ating Ama ay hindi malulutas, wlang labanan na hindi niya maipapanalo para sa atin, sa salita lang mula sa labi niya. Sabi ni Isaias "ang hinga ng Panginoon" ay maaring ubusin ang ano mang nasa ating daan (30:33). Pero, ang Pagtitiwala sa Dios sa lahat ng bagay ay hindi madali. Kamakailan lamang, sa panalangin, ako ay lumapit sa Panginoon sa kalagayan patungkol sa gusali na kinatatayuan ng simbahan sa lungsod na New York. Ito ay possible na makakaroon na ang compania ay magtatayo ng limangpung palapag na hotel sa ibabaw ng gusali ng simbahan. (Ang problema ay may kinalalaman sa "air rights" sa lungsod ng New York iyon ay, ang lugar sa ibabaw ng mga gusali ito ay napakamahal para mabili natin kayat sa batas, hindi natin maaring pigilin sila. Ang lugar ay napakamahalaga sa Manhattan na kahit na ang lugar sa ibabaw ng gusali ay maaring ipagbili bilang ari-arian). Ako ay nanalangin na kahit na isang piraso ng bato ay walang maalis. Sinabi ko sa Panginoon, "nagtitiwala ako sa iyo Ama, nilapitan kita patungkol dito, at ako ay may kapayapaan patungkol dito. "Ganito niya ako sinagot: "David, ako ay nagulat na nagtitiwala ka sa iyong mga ari-arian, pera at mga materyal na bagay. Pero hindi ka pa nagtitiwala sa akin sa iyong kalagayang physical." Alam kong ako ay magiging pitongpong taong gulang na sa madaling panahon. At ako ay masyadong nagaalala sa kalagayan ng aking pamilya kapag ako ay wala na. Ngayon ako ay pinagsabihan ng Panginoon ng mga salitang atitindi mula sa kanya. Inilagay ko ang lahat at bawat materyal na bagay sa mga kamay niya, pero hindi ang walang hanggang mga alalahanin sa buhay. Napagisipan ko, " Panginoon, nais mong magtiwala ako sa iyo sa lahat ng bagay, hindi ba?" OO, mahal kong santo, nais kong lahat ito ang iyong pangangatawan, iyong pamilya, ang kinabukasan mo. Nais niyang ikaw ay magtiwala sa kanya sa lahat ng bagay. At nais niyang ikaw ay mamuhay sa katahimikan, pagtitiwala at kapahingaan. Kayat pumaroon ka sa lihim na lugar na kasama ang Panginoon. Dalahin mo lahat ng bagay sa Panginoon. Nangako siya, " Maririnig mo ang mga salita ko sa likuran mo, sasabihin kung aling landas ka paparoon. Ito ang daan ngayon, lakaran mo ito." --- Used with permission granted by World Challenge, P. O. Box 260, Lindale, TX 75771, USA. This material is solely for personal use and is not to be posted publicly on other web pages. The Lorain County Free-Net Chapel holds exclusive rights from World Challenge, Inc. to publicly post these messages on its web page. You are free to download, copy, print and distribute this material, so long as you do not post it on a different Internet site. You may, however, link this site to reference these messages. ------------------------------------------ Plain Text File + Related Bible Study + Home Page + Subscribe + Copyright ------------------------------------------ Times Square Church Information | New Reader Information ------------------------------------------------------------------------ COPYRIGHT/REPRODUCTION LIMITATIONS: This data file is the sole property of World Challenge. It may not be altered or edited in any way. It may be reproduced only in its entirety for circulation as "freeware," without charge. All reproductions of this data file must contain the copyright notice [i.e., "Copyright 1999 by World Challenge"]. This data file may not be used without the permission World Challenge for resale or the enhancement of any other product sold. This includes all of its content with the exception of a few brief quotations. Please give the following source credit: Copyright 1999 by World Challenge, Lindale, Texas, USA. ------------------------------------------------------------------------ This web site is a service of The Missing Link, Inc. Linking Troubled Youth and Adults with Life-Changing Programs Web Site - http://misslink.org Chapel Site - http://misslink.org/chapel2.html Home of David Wilkerson's World Challenge Pulpit Series Multilingual Web Site http://www.tscpulpitseries.org ------------ Copyright 1999 - The Lorain County Free-Net Chapel North Central Ohio, U.S.A. TOP OF PAGE Our webmaster welcomes your comments and suggestions. This page was last updated October 18, 2000. Why Revival Tarries/ "Help!"/ What's Here/ Sponsor/ Statement of Faith/ Bible Study/ Around the Piano/ Bulletin Board/ Library/ Pulpit Series