Click here to go to World Challenge Pulpit Series
multilingual site

Ang Balabal Ni Elias
(The Mantle of Elijah)


Plain Text File + Tagalog Sermon Index + Home Page + Subscribe + Copyright

By David Wilkerson
January 17, 2000
__________

Ang ikalawang aklat ng mga hari 2 ay mayroong isa sa mga kahanga-hangang maikling bahagi na nasulat sa lahat ng nasa Matandang Tipan. Ang bahaging ito ay nagsasabi ng kahiwagaan ng salaysay ng tumatandang propeta Elias at ang kanyang lingkod na si Eliseo. Noong nakuha namin ang salaysay, pinasabihan ng Dios si Elias na ang kanyang gawain sa mundo ay tapos na. Ngayon siya ay tatawid sa ilog Jordan at tutungo sa isang lugar, kung saan ang makalangit na karro ay kukuhanin siya na magdadala sa kanya sa kaluwalhatian.

Habang ang matandang propeta ay malalim na pinagiisipan ang mga huling araw niya sa lupa, napasiyahan niyang bumisita sa bayan ng Bethel at Jerico. Inanyayahan niya ang kaniyang lingkod, Eliseo, na sumama sa kanya, at ang dalawa ay lumakad na sa aking palagay ay isang "katuruan sa paglalakbay". Pagkatapos na bisitahin ang parehong mga bayan, dumating sila sa pangpang ng ilog Jordan. At hinubad ni Elias ang kanyang balabal - malapad, maluwag ng kasuotan - at hinampas ang tubig nito. Sa kapangyarihan ng langit, ang tubig ay nahawi, at ang dalawang lalake ay tumawid sa kabila sa tuyong lupa (2 Mga Hari 2:8).

Noong marating nila ang kabilang ibayo, humarap si Elias sa kanyang lingkod at sinabing: "Hingin mo kung ano ang gagawin ko sa iyo, bago ako ihiwalay sa iyo" (versikulo 9). Walang anomang pagaatubili, ang nakababatang lalake ay sumagot, "Isinasamo ko sa iyo, ang ibayong bahagi ng iyong diwa ay sumaakin" (parehong versikulo).

Sa unang tingin, si Elias ay mukhang nagulat sa katugunan ni Eliseo. Sinabi niya, ""ikaw ay humingi ng mabigat na bagay" (versikulo 10). At siya ay sumagot,"gayon ma'y kung makita mo ako pagka ako'y inihiwalay sa iyo, magiging gayon sa iyo; nguni't kung hindi ay hindi magiging gayon"(parehong versikulo). Ang sinasabi niya, "Kung makikita mo ako habang kinukuha ako ng Panginoon, ang kahilingan mo'y matutupad. Nguni't kung hindi, ikaw ay uuwing bigo."

Habang sila ay lumalakad, napakita ang isang karro mula sa kalangitan na naghiwalay sa kanila kapwa. Sa mabilis na pangyayari, si Elias ay kinuha ng karro - at naging patotoo si Eliseo sa buong pangyayari. Siya ay umiyak, "Ama ko, ama ko, mga karro ng Israel at mga mangangabayo niyaon! At hindi na niya nakita siya: a hinawakan niya ang kanyang kasuotan at hinati iyon sa dalawang bahagi" (versikulo 12).

Wala na si Elias - nguni't ang kanyang balabal ay bumagsak sa lupa. Nang makita ni Eliseo ito, sinira niya ang kanyang sariling kasuotan sa maliliit na piraso at inilagay ang balabal ni Elias sa likod niya. At siya ay bumalik sa Jordan at ginawa niya ang ginawa ng tagapagturo niya: Hinubad niya ang balabal at hinampas ang tubig nito. Kaagad na naghiwalay ang tubig, at si Eliseo ay lumakad sa tuyong lupa. At doon nagumpisa ang kahanga hangang gawain ng batang propeta.

Ang pangyayari sa bahaging ito ay totoong kahangahanga. Nguni't ano ang sinasabi ng maikling bahaging ito sa atin sa ngayon? Naniniwala akong nagbigay ang Dios ng hindi maaring pagkamaliang katuruan dito, na mayroong maliwanag, payak na kahulugan: Nais ng Dios na gumawa ng mas higit pang mga bagay sa mga susunod pang kapanahunan. At bawat isang bagong kapanahunan ay dapat hanapin ang Panginoon para sa kanyang karanasan ng Banal na Espiritu at ang sariling pagbibigay ng kapangyarihan mula sa kanya.

Napakabuting basahin ang tungkol sa pagbubukas ng Dios sa Pulang Dagat para Kay Moises at paghihiwalay ng Jordan para kay Josue. Nguni't ibang bagay sa atin na humingi mula sa Dios ng himala para sa atin. Subali't iyon ang katumpakang nais ng Panginoon para sa atin. Nais niyang magpakita ng kahiwagaan ang magbigay ng lalo pa ng kanyang Espiritu para sa mga tao niya na lagpas pa sa nakita na sa nakaraan. Nais niyang dagdagan at palakihin ang ating pananampalataya - para, katulad ni Eliseo, humingi tayo na ibayong bahagi ng diwa ng Espiritu, para sa kaluwalhatian niya.

Mula sa ipinakita sa Matandang Tipan, si Elias ay ang uri ni Cristo na paakyat sa Ama. At ipinangako ni Jesus, "Ay gagawin din naman niya ang mga gawang aking ginagawa; at lalong dakilang mga gawa kaysa rito ang gagawin niya; sapagka't ako'y paroroon sa Ama" (Juan 14:12). Sinasabi niya, sa makatuwid, "Nangangailangan ka pa ng ibayong basbas, kapangyarihan na mahigit pa sa natamo ng nagdaang kapanahunan. At ang aking Espiritu ay magbibigay sa iyo ng lahat mong kailangan para makayanan."


1. Ang Unang Katanungan ko sa Muling Pagbasa ng
Kuwentong Ito, "Bakit Dinala ni Elias si Eliseo sa
Paglalakbay na ito ni Elias sa Pamamagitan ng Ipoipo?"


Bakit ang nakatatandang propeta ay nais na isama siya doon sa Bethel at Jerico? Natitiyak kong hindi lamang ito isang madamdaming paglalakbay para kay Elias, isang huling paglalakbay para sa mga alaala. Hindi - itong matalinong, matandang si Elias ay nais magturo kay Eliseo - ganoon rin sa atin sa ngayon - ng ating pangangailangan lubha sa kapangyarihan at pakikiisa ng Dios.

Ang dalawang lalake ay unang pumaroon sa Bethel, na ang pangalan ay may kahulugang "bahay ng Dios." Sadyang ang Bethel ay may mabuting makadios na pinagmulan. Si Jacob mismo ay nagbigay ng alay doon. Nguni't sa mga pagdaan ng mga taon, may nangyari sa lungsod na ito. Si Jeroboam ay nagtayo ng isang gintong baka doon, at hindi nagtagal ang mga tao ay nahilig sa pagsamba sa diosdiosan. Dahil dito, ang buong kapanahunang iyon ay nawala sa pagdududa, pandaraya at panunuya, na nag alis sa mga anak nila ng anomang bahid ng pagiging makadios na pinagmulan ng Bethel.

Ngayon, habang lumalakad sila sa mga daan, si Elias ay maaring nakapansin ng pagkatakot at lubhang kasungitan sa ayos ng buong kapaligaran bilang lumayo sa Dios. Si mismong Elias ay nakaranas ng pagaalipusta at panunuya ng tao sa kapanahunan niya, sa bondok ng Carmel. Nguni't alam niyang ito ay nangangailangan ng mas mahigit na makalangit na kapangyarihan para harapin ang bagong kapanahunan. Ang mga kabataang ito ay mas matitigas at walang dios kaysa sa mga nakalaban niyang seserdoteng sumamba sa diosdiosan.

Sa paniwala ko iyon ang panahon kung saan si Elias ay nagpasya na subukan ang lingkod niya. Maari niyang sabihin, "Eliseo, bakit hindi ka tumigil sa lugar na ito at turuan ang mga tao? Mayroong kang tiyak na pagtawag mula sa Dios, at mayroon ka namang mabuting pag-sasanay. Maari mong tulungan ang mga taga Bethel para maibalik ang magandang punagmulan nito."

Natitiyak kong si Eliseo ay makikinig, dahil alam niya ang tagapagturo niya ay may makapangyarihang malaman ang mga nangyayari. Nguni't ako ay naninilawa ang batang lalake ay mabilis na maalala ang kuwento ng ibang propeta. Nagpadala ang Dios ng isang walang pangalang tagapagsalita sa Bethel para magsabi laban sa pagiging makadiosdiosan ni Jeroboam. Itong propetang ito ay umiyak, "Jeroboam, ang iyong gintong baka ay babagsak" - at kaagad ang idolo ay bumagsak mula sa altar, nagkalat ng mga abo. Noong makita ito ni Jeroboam, inabot niya ang propeta para hampasin - nguni't biglaang naging paralisado ang kamay niya.

Pinatunayan ng Dios ang gawain ng walang pangalang propeta sa iba pang makadios na mga gawa. Nguni't ito ring banal na propetang ito sa bandang huli ay napapayag at nakipagkasundo dahil sa kakulangan ng kapangyarihang espiritual.

Tiningnan ni Eliseo ang kalagayan sa Bethel, alam niyang hindi siya handa para tumayo laban sa mga masasamang espiritu doon. Nakita niyang kung ano ang kaalaman ni Elias sa buong kapanahunang iyon - ang pangangailangan ng Banal na Espiritu upang makagawa ng mahigit pa, mahigit pang makapangyarihang gawain sa kanya bago pa niya maaring harapin ang diablo sa napakasamang lungsod na iyo. Kaya't sinabi niya sa kanyang tagapagturo, "Buhay ang Panginoon, at buhay ang iyon kaluluwa, hindi kita iiwan "(2 Mga Hari 2:6). At silang dalawa ay nagsiyaon" (parehong versikulo).

Ako ay naniniwala na ang Bethel ay nangangatawan sa uri ng makademonyong pamayanan at ang ating bansa ay nagkagayon na rin sa mga pagdaan ng panahon. Tayo rin ay namumuhay na kasakasama ng mga nangaalispusta at mapagbalatkayo - mga taong makalaman na ibinigay na ng Dios sa pagsunod sa hilig ng laman, sumasamba sa dios- diosan, at mga gawaing kabaklaaan. At itong pangkasalukuyang kapanahunang ito ay mas malala kaysa sa mga hinarap nina Elias at Eliseo. Yaong mga banal na propeta na nakakita ng pagaalispusta, pagtatawa at pagwawalang galang - nguni't ang mga kabataang Americano ay nagpapatayan sa bawat isa. Sampung-taon na mga batang lalake ay nangahasa sa limang-taong mga batang babae. Ang mga kabataan ay nagpapatayan na walang anomang damdamin ng pagkalungkot - pinababagsak ang mga magulang, kamagaral, at mga walang malay na hindi kakilalang tao.

Ayaw kong gumawa ng malawak, at pangkalahatang paghuhusga laban sa lahat ng kabataan. Alam kong maraming mga makadios na mga kabataan sa ating bayan na totoong mainit para kay Jesus. Nagpapasalamat ako sa Dios sa bawat kabataan na tumatayo para kay Cristo sa napakasamang panahong ito.

Nguni't, ang makadiablong araw na ito ay nangangailangan na ang mga tao ng Dios ay magkarroon ng higit pang kapangyarihan, para maaabot ang nawawalang kapahunang ito. Ito ay nangangailangan ng sukat ng pakikiisa ng Dios na katulad sa hindi pa natin nakita sa buong kasaysayan. Nangangangailangan ito na ang banal na natitira pa ay tumayo na katulad ni Elias at umiyak, "O, Panginoon - higit pa ang aming pangangailangan."


2. Alam Nating ang Paglalakbay na Ito ay Hindi
Lamang Para Kay Elias, Nguni't Para Magturo sa
Bawa't Susunod na Kapanahunan.


Sina Elias at Eliseo ay nagpatuloy sa Jerico, na may kahulugang "lugar na tinawag na mabuti." Nguni't ang lungsod na ito ay tuyot, walang laman, walang buhay. Walang mga puno ng kahoy, walang pastolan, walang mga bungang kahoy. Lahat ay nawala dahil sa paglalagay ng lason na dumaloy sa pinagkukunan ng tubig sa Jerico.

Ang lungsod na ito ay nangangatawan sa patay, tuyong Cristianismo - ang simbahang isinalarawan ni Jesus sa Apocalipsis na ganito: "na ikaw ay may pangalang ikaw ay nabubuhay, at ikaw ay patay" (Apocalipsis 3:1).

Nagtayo si Elias ng paaralan para sa mga propeta sa Jerico, at maliwanag na siya at si Eliseo ay bumisita sa paaralang ito. Ang iba sa mga kabataang, nagsisumulang propeta ay lumapit kay Eliseo, at nagtanong, "Talastas mo ba na ihihiwalay ng Panginoon ang iyong panginoon sa iyong ulo ngayon? (II Mga Hari 2:5). Si Eliseo ay mabilis na sumagot, at nagsabing, "Pumayapa kayo."

Ngayon, ang malalakas na mga kabataang lalakeng maka Dios ay mga magaaral ng banal na kasulatan. Mayroon pa nga silang makalangit na pangitain, dahil alam nilang si Elias ay kukuhanin na sa araw na iyon. Ito ang kapanahunan ng mga ministro na maaring ipadala sa Judea at Israel para magturo sa sangbayanan- magtayo ng mga paaralan, magpakain sa mga mahihirap, at mangaral ng salita ng Dios.

Nguni't mayroong bagay na maliwanag na kulang sa kanila: ang kapangyarihan, basbas at pagsama ng Banal na Espiritu. Sa sumunod na araw, ito ring mga ministrong ito ay nagmamakaawa kay Eliseo na hanapin ang katawan ni Elias, kung sakaling ang Banal na Espiritu ay ibinaba siya sa alin mang bondok o kaya ay patag. Sila ay totohanang walang kaalaman sa pamamaraan ng ng Banal na Espiritu. Maari silang magpatotoo, mangaral, maghimala - nguni't hindi pa nila naranasan ang kapangyarihan ng Dios para sa sarili nila.

Maaring narinig ni Elias ang kanilang pakikipagusap kay Eliseo. At maaring nagtataka siya kung ang lingkod niya ay nakakaunawa kung saan ang makalamang gawaing ito patungo. Kaya't, minsan pa, sinubukan ng matandang propeta ang kanyang nababatang lingkod. Para bang sinasabi niyang, "Eliseo, ikaw ay nakatanaw sa gawain ng susunod na kapanahunan. Nguni't maliwanag ang kakulangan ng paggalaw ng Espiritu dito. Bakit hindi ka tumigil dito ay turuan ang mga ministrong ito ng paraan ng Espiritu? Ikaw ang taong gigising sa patay, tuyot, matalinong simbahan."

Nguni't alam ni Eliseo ano ang mangyayari kung siya ang magpapastor sa mga ministrong ito. Sila ay mananatiling humahanga sa makapangyarihang gawain ni Elias - at sila ay patuloy na magtatanong ng patungkol dito: "Ilang oras sa isang araw ang iyong panginoon nanalangin? Gaanong panahon ang ginugogol niya sa mga aklat ng batas? Anong pamamaraan ang ginagamit niya? Anong katuruan ang ipinangangaral niya?"

Maaaring ang panahon ni Eliseo ay maubos sa pagbibilang ng mga himala at gawain ng panunumbalik sa dios sa nakaraan. At ang mga kabataang ministrong ito ay maguubos ng lahat nilang lakas para subukang maging maliit na Elias, umaasang makagawa ng himala - nguni't walang kapangyarihan at pagsama ng Banal na Espiritu.

Ang simbahan sa ngayon ay bumagsak sa katulad na pain. Pinagaaralan natin ang mga nagdaang kilusan at panunumbalik sa Dios, humahanap ng mga susi, sinubukang makakita ng pamamaraan para magpababa ng apoy mula sa langit. Simula sa aking natatandaan, ang simbahan ay umiiyak sa makalumang anyo, Banal Na Espiritung panunumbalik sa Dios. Nguni't ito ay nagmumula lahat sa kagustuhang makakita ng ginagawa nga ng Dios sa nakaraan.

Sumagot na si Eliseo sa kanyang tagapagturo, "Buhay ang Panginoon, at buhay ang iyong kaluluwa, hindi kita iiwan" (versikulong 2,4,6). Alam niyang walang siyang magagawa sa kanino man dito sa patay, tuyot na simbahang ito hanggang hindi siya makatatanggap ng paghipo ng Dios. Hindi siya manghawak sa mga magagandang nagawa na ni Elias. At hindi siya papayag na hindi makakuha kung ano ang Espiritu ng tagapagturo niya mayroon.

Sinasabi niya kay Elias, "Ginagalang ko ang pananampalataya ng aking mga ninuno, ang mga taong may malahiganting pagkamakadios sa mga nagdaang panahon. Nguni't alam kong ang Panginoon ay nais gumawa ng bagong mga bagay. At nais kong magkarroon ng mas higit na paghipo mula sa kanya na hindi pa nakikita noon."

Nais kong bumalik ngayon doon sa tagpong nasa pangpang ng ilog Jordan. Bakit ipinilit ni Elias ang mahimalang pagdaan ito? Ang Jordan ay hindi naman malalim, malawak na ilog, at ang kasulatan ay hindi nagbibigay ng patotoo na ito ay mataas ang tubig. Maliban pa dito, mayroong limangpung malalakas, kabataang mga propeta sa kabila ng pangpang na maaring gumawa ng masasakyan nila para makatawid, sa pamamagitan lamang ng ilang oras.

Ako ay naniniwala na si Elias ay nais na magturo sa kanyang sumunod na ang himala ng pagtawid sa mga nakaraan - mula kay Moises, hanggang kay Josue, hanggang sa pangkasalukuyang araw - ay mga salaysay na lamang. Nais niyang subukan si Eliseo, na para bang: "Kapag magumpisa ka ng iyong gawain, at nangaral ka na ang Dios ay Dios ng himala, dapat kang mag patotoo ng kung ano ang ginawa niya sa iyong sarili. Ako ay mawawala na, Eliseo. At bukas, sa pagbabalik mo sa ilog, nais kong bumalik ka kung paano ka pumarito. Maniwala ka sa Dios sa himala sa buhay mo.

Halos lahat tayo ay walang pananampalataya na paniwalaan ang Dios para sa ating himala sa ngayon. Nauubos natin ang panahon sa pagmumuni sa mga kahangahangang himala sa banal na kasulatan - nguni't sa lahat ng ito ang nais ng Dios na sabihin na atin, "Mayroon akong mas mainam para sa iyo. Nais kong gumawa ng himala sa buhay mo - para baguhin ang iyong tahanan, ayusin ang iyong buhay mayasawa, iligtas ang mga hindi pa ligtas na mahal mo sa buhay. Haharapin mo ang iyong Pulang Dagat, ang iyong ilog Jordan - at nais kong hawiin ang mga tubig na iyon para iyo."


3. Ngayon sa Kabila ng Jordan, Sinabi ni Elias kay
Eliseo, "Humiling ka sa Akin, Ano ang Magagawa ko
Para sa Iyo Bago Ako Lumisan."


Ang matandang propeta ay hindi nag alok nito na para bang, katulad ng isang "genie", maari siyang magbukas ng isang buting ilawan at matutupad ang tatlong kahilingan. Nag alok siya kay Eliseo bilang makadios na tagapagturo sa pananampalataya. Iyon ay isang huling pagsubok, at nais niyang makita paano itong kabataang magiging kasunod niya ay tutugon.

Ako ay naniniwala na karamihang Cristiano sa ngayon ay tutugon, "Ang sangbayanan ay baluktot, at ang mga bagay ay nagiging magulo sa lahat ng oras. Ako ay napapagod na sa pakikipagbaka, pagod na sa pangaabuso ng diablo. Napakamapanganib ng mabuhay. Elias, isama mo na ako sa iyo. Nais ko nang umuwi. Natitiyak kong mayroong lugar para sa dalawa sa karrong iyan."

Totoo, ang ating iyak bilang mga tao ng Dios ay dapat, "Pumarito ka na Panginoong Jesus." Nguni't sinabi rin ni Jesus sa atin, "Maging abala kayo hanggang sa pagdating ko." Habang siya ay umaakyat patungo sa langit, pinagutusan niya ang kanyang mga alagad, "Bakit kayo nangatayo at nagmamasid? Magsilakad kayo, magsigawa hanggang sa pagbabalik ko."

Alam ni Eliseo na ang lugar niya ay hindi pa sa Panginoon noong panahong yaon. Alam niya na ang Dios ay umiiyak pa sa mapaghimagsik na mga kabataan ng Bethel at ng tuyot na simbahan sa Jerico. At alam niya kung ano ang kailangan: Kailangan siyang maiwan at kuhanin ang gawain para harapin ang makadiablong sangbayanan at patay na pamamaraan ng relehion.

Natitiyak kong sinabi niya kay Elias, "Ipinakita mo sa akin ang kalagayan ng sangbayanang ito at ng simbahan. At alam mong ako ay nangangailangan ng kapangyarihan, basbas at pagsama ng mahigit pa sa natamo ng nauna na. Kaya't hinihiling ko ang higit pang bahagi ng Espiritu ng Dios na ibinigay sa iyo." "Isinasamo ko sa iyo, na ang ibayong bahagi ng iyong diwa ay sumaakin" (2 Mga Hari 2:9).

Noong marinig ni Elias ito, siya ay sumagot, "Ikaw ay humingi ng mabigat na bagay"(versikulo 10). Nguni't, kanino maaring mahirap ang gawaing ito? Mahirap baga ito sa Dios? Mahirap baga ito para kay Elias, ang taong nagbuhay ng patay at tumaway ng apoy mula sa langit?

Hindi - ito ay magiging mahirap para kay Eliseo. Ito ay bagay na makukuha niya sa sarili niya. Si Elias ay walang kakayanan para bigyan ng kapangyarihan ang lingkod niya ng bahagi ng Espiritu na nananahan sa kanya. Ang Dios lamang ang makapagbabahagi ng Espiritu sa tao.

Nguni't si Elias ay sumagot, "gayon ma'y kung makita mo ako pagka ako'y inihiwalay sa iyo, magiging gayon saiyo; nguni't kung hindi ay hindi magiging gayon"(versikulo 10). Mahalagang tandaan na ang salitang "kung" at "ako" sa versikulong ito ay hindi nasusulat sa pinagmulang Hebreo. Sila ay isiningit ng bandang huli sa texto ng "King James". Kaya't, ako ay naniniwala na ang sinasabi ni Elias kay Eliseo, "Kung makikita mo ako na inihihiwalay sa iyo."

Ang sinasabi ni Elias, "Ang Banal na Espiritu ay hindi makakagawa ng mahalagang gawain hanggang ikaw ay nanghahawak pa sa alaala ko. Dapat mong isiping ako ay wala na. Hindi mo ako kailangan, Eliseo. Lumapit ka sa Panginoon, na ang Espiritu ay siya ring gumawa sa akin. Tutugunin rin ang iyong pagsusumamo."

Sa sandaling nakita niya ang kanyang panginoong lumisan na sa karrong makalangit, ginampanan na ni Eliseo ang gawain na ipagtatuloy ang gawain ng Dios sa kanyang kapanahunan. At habang siya ay tumayo sa ilog Jordan at hinampas ang tubig, ang salitang kanyang sinabi ay, "Nasaan ang Dios ni Elias?" Ang sinasabi ng batang propeta ay, "Panginoon, lahat ng makadios kong mga ninuno ay patay at wala na. At itong hindi mabuting panahon ay nangangailangan ng mas higit pa kaysa sa naibigay mo na. Gumawa ka muli, Panginoon - sa ngayon sa pamamagitan ko. Nais kong maging lalong makapangyarihan ng Espiritu mo."


4. Si Eliseo ay Bumalik sa Dalawang Lungsod, Binalikan
ang Mga Hakbang Niya Noong Kasama Niya si Elias.


Ngayon, pagkatapos na makatanggap ng paghipo mula sa Dios, si Eliseo ay pumaroon na kasama ng kanyang pananampalataya. At ang unang hinto niya ay sa Jerico. Ang koleheyiong may limampong mga propeta ay kaagad na nakilala ang paghipo ng Dios sa kanya, at sinasabing, "Ang katulad ng diwa na na kay Elias ay ngayon ay na kay Eliseo." Ito ay batid ng lahat na ang nakatagong lingkod na ito ay lumalakad ng may malalim na kapangyarihan at pagsama ng Espiritu.

Ang mga kabataaang propeta ay nagsabi kay Eliseo, "ang kalagayan ng bayang ito ay maligaya, gaya ng nakikita ng aking panginoon: nguni't ang tubig ay masama, at ang lupa ay nagpapalagas ng bunga" (2 Mga Hair 2:19). Ang sinasabi nila, "May lason sa tubig, at pinapatay ang lahat." Nguni't, maliwanag, itong limampung kalalakehan ng Dios ay walang kapangyarihan para ihinto ang lason mula sa pagdadala ng kamatayan sa Jerico.

Sangayon kay Isaias, itong "mabuting lugar" ay nangangatawan ng gawain: "Sapagka't ang ubasan ng Panginoon ng mga hukbo ay ang sangbayanan ng Israel, at ang mga tao sa Juda ay ang kaniyang maligayang pananim.."(Isaias 5:7). At, ang tubig dito ay nangangatawan ng salita ng Dios.

Nakikita ba ninyo ang larawan? Ang nilasong tubig ng Jerico ay nangangahulogan ng maruming salita na ipinangangaral mula sa mga pulpito sa bayan. Itong mga tao ng Dios ay hindi natotong ayusin ang kanilang mga kasalanan, kaya't ang mga pangangaral ay puno ng lason mula sa maruming mga puso. At ang kanilang walang buhay, makalamang pangangaral ay nagbubunga ng kamatayan sa pananampalataya ng mga tao.

Ipakita mo sa aking ang mangangaral sa pulpito na hindi na naniniwala na ang salita ng Dios ay hindi nagkakamali - na tumagging maniwala a berheng pagsilang, na nagugumon sa mga nakatagong kasalanan, na hindi na umiiyak sa mga kasalanan na nakikita sa tahanan ng Dios - at ipapakita ko sa iyo ang simbahang malapit ng mamatay dahil sa lason na inilalabas mula sa kanyang puso.

Ano ang gamut sa lasong ito sa Jerico? Iyon ay para linisin ang tubig. At iyong ang ginawa ni Eliseo. Kumuha siya ng malinis na sisidlan, pinunu niya ito ng asin at ibinuhos sa pinagbubukalan ng tubig sa lungsod. Hindi nagtagal lahat ng tubig ay nalinis, at ang buhay ay muling sumibol sa lahat ng paligid.

Siyempre, ang asing ginamit ni Eliseo ay nangangahulogan ng katuruan sa kalinisan at kabanalan. At ang malinis na sisidlan na ginamit ay nangangahulogan ng mga ministrong nalinis ng dugo ni Cristo at inihiwalay ng mapagpalinis ng apoy ng Espiritu, inihanda para magturo ng purong katuruan. Mga minamahal, ito lang mga bagay na ito and makapaglilinis ng makadiablong gawain sa tahanan ng Dios: Malinis, purong sisidlan na lumalakad sa kabanalan at nagtuturo ng purong salita na may sariwang basbas at pagsama ng Espiritu.

Ngayon si Eliseo ay bumalik na sa Bethel - ang baying sumama na, na mayroong mga kabataang nawala na sa Panginoon. At sa sandaling siya ay dumatimg, siya ay tinutuya:

"At siya'y umahon sa Bethel mula roon: at samantalang siya'y umaahon sa daan, may nagsilabas sa bayan na mga bata, at tinuya siya, at sinabi nila sa kaniya, Umahon ka, ikaw na kalbo ang ulo; umahon ka, ikaw na kalbo ang ulo; at siya'y lumingon salikuran niya, at nangakakita niya, at sinumpa niya sila sa pangalan ng Panginoon. At doo'y lumabas ang dalawang osong babae sa gubat, at lumapa ng apat napu't dalawang bata sa kanila" (2 Mga Hari 2:23-24).

Anong kakilakilabot ng tanawin. Maiisip ninyo, "Napakalupit ng Dios na pinayagang silain ng oso ang mga maliliit na batang iyon." Nguni't ang salitang "maliliit na bata" dito ay mahinang pagsasalin. Sa orihenal Hebreo ang saknong na ito ay mababasang "kabataang lalake" (Spurell, Hebrew).

Si Eliseo ba ang may kagagawan ng pagkamatay nila dahil sa makasariling galit sa panunuya sa kanya? Hindi. Ang makadios na taong ito ay gumagalaw mula sa kapangyarihan at pagsama ng Banal na Espiritu. Ang totoo ay, yaong mga nanunuyang mga lalakeng yaon ay nakagawa ng hindi masasabing kasalanan. Hayaan ninyong ipaliwanag ko.

Walang pagdududa, ang mga lalake ay nakarinig na patungkol kay Elias na pumaroon na sa langit. Nguni't, sa panunuya kay Eliseo ng may pagsusumamo, "Umahon ka, ikaw na kalbo," inaalipusta nila ang gawa ng Espiritu. Narinig na nila ang katotohanan patungkol sa banal na pagkilos ng Espiritu, nguni't hindi nila tinanggap ito. Ang kanilang mga kilos patungkol kay Eliseo ay ang panunuya laban sa gawain ng Banal na Espiritu - isang hindi mapapatawad na kasalanan.


Ang Mga Kabataang Mangangaral sa Ngayon ay Gumagawa rin ng
Ganoong Parehong mga Bagay na Ginawa ng Mga Ministro sa Bethel.


Sa maraming taon na ang Dios ay lubhang nagpasiyensiya sa bumagsak na simbahan ng Bethel. Napakaraming dumadagsa doon para sumamba sa altar ng pagbibigay. At ang Panginoon ay nagpadala ng maraming propeta, kasama na si Elias mismo, para paalalahanan sila. Nguni't dumating na ang panahon na kung saan ang Dios ay hindi na pinayagan ang kasamaan at pagsamba sa diosdiosan ng lungsod na ito. Kaya't tumawag na siya ng kaparusahan, nagpadala sa masamang tanawing ito ng taong may ibayong bahagi ng Banal na Espiritu. Si Eliseo ay gumalaw ng may kapangyarihan sa Bethel, nangangaral ng kaparusahan sa mga kasalanan.

Napakaraming mga batang ministro sa ngayon ay nanghahawak sa katulad na masasamang pamamaraan na ginawa nang bagsak na simbahan sa Bethel. Sila ay nagdadala sa tahanan ng Dios ng mga tugtuging naglilikha ng paghihimagsik at makagising sa laman sa bansang ito. Sila ay nagtatanong-tanong ng palagay mula sa makasalanang bayan para malaman kung paano nila mahihikayat ang mga hindi mananampalataya sa pagtatayo ng gusali ng simbahan. At sa halip na maghandog ng pagsamba, sila ay nagpapalabas ng mga drama, pagtitipon at mga mabagong konseyerto. Sinusubukan nilang aliwin ang mga kabataan kaysa sa harapin ang mga kasalanan at kawalan ng purong katuruan.

Ganoon rin sa ngayon, ang simbahan ay humaharap sa parehong diwa ng panunuya na hinarap ni Eliseo. Mga militanteng bakla nangaalipusta sa salita ng Dios. Mga kilalang moseo sa lungsod ng New York ay ipinagmamakapuri pang ilantad ang walang paggalang na mga sining: ang krus ni Cristo na nakalubog sa malaking lalagyan na puno ng ihi; ang larawan ng berheng si Maria na may marka ng dumi ng elepante. Itong tahasang paglabag na ito, kasamaang lantaran ay minsan na hindi natin naiisip.

Habang ang kasalanan ay dumarami nitong mga huling araw, ako ay nakikipagugnay sa maraming makadios na humuhanap rin ng kasagutan. Tinatawag ko itong mga taong ito na "samahan ni Elias." Sila ay pumaparoon sa Panginoon - nanalangin, nalulumbay dahil sa kasamaan ng bayan at ng simbahan, humihingi ng ibayo pang basbas at pagsama ng Espiritu. At sila rin ay nakakarining ng parehong mensahe mula sa Panginoon: Ang kaparusahan ay nasa pintuan na - pagbaha, pagbagyo at masamang panahon, nakakamatay na lamok - alam nilang ang Dios ay nangungusap na.

Sa aking sarili, hindi ako nasisiyahan na maupo lamang at pagaralan ang mga nagdaang pagkilos na ng Panginoon. Nais kong makita ang Banal na Espiritu na gumawa ng mas ibayo pang himala na ipinangako ni Jesus. Ipagpapatuloy ko ang pagtuturo ng awa at kahabagan sa lahat ng mayroong tainga para makinig - nguni't hindi ako magiging mahina o manlulumo sa mga nangaalispusta. Dumating na ang panahon para paalalahanan ang lahat ng napopoot kay Cristo: Ang panahon nila ay tapos na. Ang Dios ay gagawa para ibagsak sila ng hindi pa nila nakikitang kaparusahan. At kapag nangyari yaon, kahit na ang pinakamatigas na ay magsasabi, "Ito na nga ay gawa ng Dios."

Ang Samahan ni Elias ay hindi masisiyahan sa kalagayang dati lamang, o ang paguulit ng mga nakaraang panunumbalik sa Dios ng mga tao. Sa ngayon, sila ay patuloy na nakikiisa sa Panginoon, patuloy na nanalangin sa ibayo pang kapangyarihan ng Banal na Espiritu. At ang kanilang mga puso ay inihahanda na makita ang pagkilos ng Panginoon sa mga huling araw na ito.

---
Used with permission granted by World Challenge, P. O. Box 260, Lindale, Texas 75771, USA.

Times Square Church Information | New Reader Information


Plain Text File + Tagalog Sermon Index + Home Page + Subscribe + Copyright

COPYRIGHT/REPRODUCTION LIMITATIONS:
This data file is the sole property of World Challenge. It may not be altered or edited in any way. It may be reproduced only in its entirety for circulation as "freeware," without charge. All reproductions of this data file must contain the copyright notice [i.e., "Copyright © 2000 by World Challenge"]. This data file may not be used without the permission World Challenge for resale or the enhancement of any other product sold. This includes all of its content with the exception of a few brief quotations. Please give the following source credit: Copyright © 2000 by World Challenge, Lindale, Texas, USA.

This material is solely for personal use and is not to be posted publicly on other web pages. The Lorain County Free-Net Chapel holds exclusive rights from World Challenge, Inc. to publicly post these messages on its web page. You are free to download, copy, print and distribute this material, so long as you do not post it on a different Internet site. You may, however, link this site to reference these messages.


This web site is a service of
The Missing Link, Inc.®
Linking Troubled Youth and Adults with Life-Changing Programs
Web Site - http://misslink.org
Chapel Site - http://misslink.org/chapel2.html
Home of David Wilkerson's World Challenge Pulpit Series Multilingual Web Site
http://www.tscpulpitseries.org


Copyright © 2000 - The Lorain County Free-Net Chapel
North Central Ohio, U.S.A.

TOP OF PAGE

Our webmaster welcomes your comments and suggestions.
This page was last updated April 5, 2000.

Why Revival Tarries/ "Help!"/ What's Here/ Sponsor/ Statement of Faith/ Bible Study
Around the Piano/ Bulletin Board/ Library/ Pulpit Series