Click here to go to World Challenge Pulpit Series

multilingual site

Ang Pagdaing na Walang Tinig

(A Cry Without A Voice)


Plain Text File + Tagalog Sermon Index + Home Page + Subscribe + Copyright

By David Wilkerson
August 19, 2000
__________

Sa Marcos 7, matatagpuan si Jesus na nagsasagawa ng malaking himala.  Ang buong maramdaming tagpo ay nangyari sa loob lamang ng limang saknong:
 
“At siya’y muling umalis sa mga hangganan ng Tiro, at napasa Sidon hanggang sa dagat ng Galilea, na kaniyang tinahak ang mga hangganang Dacapolis.  At dinala nila sa kaniyan ang isang bingi at utal; at ipinamanhik nila sa kaniya na kaniyang ipatong ang kaniyang kamay sa kaniya.  At siya ay ihinihiway niya ng bukod sa karamihan, at isinuot ang kaniyang mga daliri sa mga tainga niya, at siya’y dumura, at hinipo ang kaniyang dila; at pagkatingala sa langit, ay siya’y nagbuntong  hininga at sinabi sa kaniya, Ephatha, sa makatuwid baga’y, Mabuksan.  At nangabuksan ang kaniyang mga pakinig, at nakalag ang tali na kaniyang dila, at siya’y nakapagsalitang malinaw” (Marcos 7:31-35).
 
Isilarawan ang tagpo, nang dumating si Jesus sa dalampisagan ng Decapolis, siya nakatagpo ng isang taong bingi at utal.  Ang tao ay nakapagsasalita, nguni’t hindi maunawaan ang kaniyang sinasabi.  Inihiwalay ni Cristo ang tao mula sa karamihan.  At habang nakatayo siya sa tabi ng taong ito, isinuot niya ang kaniyang daliri sa tainga.  At siya ay dumura, at hinipo ang dila.  Nagsalita siya na dalawang salita: “Mabuksan.”  At kapagdaka’y, ang tao ay maliwanag na nakarinig at nakapagsalita.
 
Bago pa ang tagpong ito, si Jesus ay nagpalayas na rin ng karumaldumal ng espiritu sa isang anak na babae.  Sa pamamagitan lamang ng pagsasalita ng salita, pinalayas niya ang masamang espiritu mula sa batang babae.  Nagtataka ako: bakit nasulat sa Banal na Salita ang dalawang himalang ito?  Isinali ba ito bilang dalawang karagdagang tagpo lamang mula sa buhay ng Panginoon sa lupa?
 
Karamihan ng mga Cristiano ay naniniwala na ang mga kasaysayaang ito ay naisulat dahil nagpapahayag ito ng mas malaki sa atin.  Nagpapakita ito ng kapangyarihan ng Dios sa mga sakit laban kay Satanas.  Nagpapatunay ito ng pagkadios ni Cristo, at patunayan na siya ay Dios na nasa laman.  At ito ay upang mahikayat ang ating pananampalataya, nagpapakita sa atin na ang ating Dios ay nakagagawa ng mga himala.
 
Naniniwala akong ang mga kasaysayang ito ay nasulat dahil sa lahat ng mga katuwirang ito, at marami pa.  Sinabi ni Cristo na ang bawa’t salitang kaniyang sinasabi ay mula sa Ama.  Nagsabi siya at gumawa na mula lamang sa sarili lamang, datapuwa’t sa pangunguna ng kaniyang Ama.  Karagdagan pa, bawa’t tagpo sa buhay ni Cristo ay pinakahalimbawa sa atin, ng mga dinatnan ng katapusan ng panahon (tingnan 1 Mga Taga Corinto 10:11).
 
Ang himalang ito sa Marcos 7 ay hindi lamang ang panggagamot ng isang tao na nabuhay daang-daang taon na angnakaraan.  Katulad rin ng bawa’t pangyayari sa buhay ni Cristo, mayroon itong mahalagang kahulugan para sa atin sa ngayon.  At katulad ng talinghaga ni Cristo sa

 “At nabuksan ang kaniyang mga pakinig, at nakalag ang tali ng kaniyang dila, at siya’y nakapagsalitang malinaw” (Marcos 7:35).


mga kayamanang nakatago sa bukiran, tayo ay nararapat ring maghukay sa kahulugan nito.


Ako ay Naniniwala na ang Himalang ito ay Nagpapakita ng Hindi Maruruk na Awa at Kahabagan ni Cristo sa Kasalakuyang Lahi.


 Mga ilang panahon na ngayon, ako ay nalito ng mga tanong patungkol sa pangkasalukuyang lahi ng mga kabataan.  Ang mga maiinit na katanungang ito ay nagpalito sa akin.  Datapuwa’t ako ay naniniwala na ang himalang ito ay naging sagot sa marami sa mga tanong na yaon.
 
Una, nais kong tanungin sino ang taong ito na dinala kay Cristo: “isang bingi at utal” (Marcos 7:32)?  Hindi binigay ang pangalan.  Nguni’t alam ko kung sino ang nagpapakilala sa atin sa ngayon.  Ang halimbawa niya sa mga taong “Sila’y may mga tainga, nguni’t hindi sila mangakakarinig” (Mga Awit 115:6).  Tunay nga, ang saknong na ito ay nagpapatungkol sa kalagayang espiritual.  Nagpapakita ito ng kabingihang espiritual, walang kakayahang marinig ay maunawaan ang katotohanan ng Dios.
 
Ako ay tunay na naniniwala na ang bingi at utal na taong ito ay tulad ng karamihan sa kabataan sa ngayon.  Naniniwala rin ako na ito ay totoo lalong-lalo na sa mga kabataan mula sa Cristianong mga tahanan sa ngayon.  Marami ay para bang walang kakayahang dinggin pag-isipan  ang Salita ng Dios.  Ang pinatutungkulan ko ay yoong mga mabubuting mga bata: magalang, masunurin, hindi mahilig sa mga pagtitipon.  Hindi sila gumagamit ng bawal na gamot, alkohol, o kaya ay nasa mahahalay na relasyon.  Datapuwa’t totohanang sila ay malamig tungkol sa Dios.  Sa lahat ng panahon ng aking paghayo sa gawain ng Panginoon, hindi pa ako nakakita ng hindi pakikisali sa mga bagay ng sa Dios na katulad ng pangkasalukuyang lahi.
 
Nakatagpo ko ang marami sa mga makadios na binging kabataang ito sa buong mundo.  At sa loob ng mga taon, nagtanong ako kung bakit napakaraming mabubuting kabataaan, lalong-lalo na yoong pinalaki sa tahanan ng Cristianong mga magulang, ay nanatiling malamig tungkol kay Jesus.  Nakakarinig sila ng mga sermon  na pangpabago, tinuruan sila ng katuruan ng pagibig, datapuwa’t nanatili silang hindi tumutugon.
 
Ako ay tunay na nasasaktan sa kalagayang ito sa ilan sa aking sariling mga apo.  Narinig nila ang mga sermon, nakita nila akong nangaral ng may makadios na luha at kapangyarihan mula sa Banal na Espiritu.  Nguni’t hindi sila nagpapakita ng anomang pagtugon.  Kung minsan iniisip ko, “Maaring ngayon ang araw na ang Banal na Espiritu ay tutunawin ng ang panglalamig, yoong kawalan ng kagustuhan.  Maaring makakita na ako ng luha na nagpapakita ng katunayan na hinipo ng Dios ang puso ng batang ito.”
 
Nagtataka ako, “Sila ba ay bingi na parang bato?  O kaya itinakwil na ba nila ang Dios?  Isinara ba nila ang kanilang tainga upang hindi sila makarinig?” Nakikipaglaban ako ganitong mga kaisipan, dahil alam kong mabubuting bata ito na hindi naman itinatakwil si Jesus.  Datapuwa’t wala lamang talaga silang sigla.  At si Cristo mismo ay naghudyat na kahit na mabubuting mga tao ay mapupunta sa impeyerno kapag nanatiling malahininga, hindi mainit o malamig man (tingnan Apolicalipsis 3:16).
 
“At mahirap makarinig ang kanilang mga tainga, at kanilang ipinikit ang kanilang mga mata; baka sila’y mangakakita ng kanilang mga mata, at mangakarinig ng kanilang mga tainga” (Mga Gawa 28:27).
 
Nakita ko rin ang katulad ng kalagayan sa maraming mga Cristianong lalake.  Ito ay mabubuting mga tao, matapat na asawa, mapagmahal na ama, ginagawa ang pananagutan bilang tagapaghanapbuhay.  Kung sila ay dumadalo sa simbahan na kasama ang kanilang mga asawang babae, alam kong ang mga babaeng yaon ay nanalangin: “Maari ngayon ang puso niya ay mahipo na.”  Nguni’t pagkatapos, ang asawang lalake ay ngingiti lamang at magsasabi, “Nasiyahan ako ngayon.  Sasama muli ako sa iyo sa ibang pagkakataon.”  Ang mga taong ito ay hindi naman nagtatangi kay Cristo.  Hindi sila mga masasama, makalaman o may mga gawaing mahahalay.  Nguni’t kapag sila’y nagpatuloy na humanga lamang kay Cristo, sila man ay naliligaw rin sa landas.
 
Mayroon akong nabibilang na mga kaibigan na katulad rin nito.  Minamahal nila ako at gagawin ang kahit na ano para sa akin.  Dumadalo rin sila sa Time Square Church paminsan-minsan at parati namang pinasasalamatan ang aking mga pagtuturo.  Datapuwa’t ang Salita ng Dios ay walang bunga sa kanila.  Maaring nilang pagusapan ang kamatayan ni Cristo, paglilibing ay pagkabuhay, dahil narinig nila itong ipinangaral na paulit-ulit.  Datapuwa’t sila ay malamig.  Lumilisan sila sa harapan ng Dios na katulad rin ng sila ay pumasok; hindi sila nabago.
 
Sasabihin ko sa inyo, lahat ng mga taong ito ay may mga tainga, nguni’t hindi makarinig.  Sila’y mga bingi sa esprititu.


 Mayroon lamang isang pagasa sa taong sa mundong ito para makarinig at makapagsalita.


Ang tanging pagasa ngbingi at utal na tao ay ang pumaroon kay Jesus.  Nangailangan siyang magkaroon ng pansariling pakikipagisa sa kanya.
 
Sasabihin ko sa inyo na ang taong ito ay hindi naman katulad ng ipinaliliwanag ni Pablo: “pagkakaroon nila ng kati sa tainga; at ang kanilang mga tainga ay ibabaling nila sa katha” (2 Kay Timoteo 4:3-4).  O kaya ang taong ito ay mayroong “Espiritu ng pagkakatulog....at mga pakinig na hindi nangakakarinig” (Mga Taga Roma 11:8).  Hindi rin sila yaong ipinahahayag sa Mga Gawa 28:27):  “Mahirap na makarinig ang kanilang mga tainga, at kanilang ipinikit ang kanilang mga mata; baka sila’y mangakakita ng kanilang mga mata, at mangakarinig ng kanilang mga tainga.” O hindi rin siya isa na naroroon habang binabato si Esteban na, “nangagtakip ng kanilang mga tainga” (Mga Gawa 7:57).
 
Ang katunayan, ang taong ito ay nagnais na makarinig.  Naghahangad siyang sadyang gumaling.  Datapuwa’t nabasa natin, “At dinala nila sa kanya ang isang bingi” (Marcos 7:32).  Ang taong ito ay hindi nakarating kay Jesus na sarili lamang.  Nararapat siyang dalahin sa kanya.  Maliwanag, nakilala na niya si Jesus noon pa man, at may kapangyarihan siyang magpabuti.  Karagdagan pa, natutuhan rin ng taong itong makipagusap, maaaring sa pamamagitan ng tandang pakikipagusap o pagsusulat.  At nakakikilos naman siyang magisa.  Nguni’t hindi niya nakayanang makarating kay Jesus sa sarili lamang.  “Sila” ay ang nagdala sa kanya.
 
Sino ang “sila” sa saknong na ito?  Mahuhulaan ko lamang na ito ay ang kanyang kasangbahay o mapagmahal na mga kaibigan, mga taong lubhang nagmamalasakit na nagdala sa kanya kay Jesus.  Ako ay naniniwal ang tagpong ito ay nagsasabi ng patungkol sa kalagayan ng ating mga kabataan sa ngayon.  Hindi sila tutungo kay Jesus sa sarili lamang nila.  Nangangailangan silang dalahin ng kanilang mga magulang, mga kaibigan, ang kasangbahay nila sa simbahan.  Katulad ng mga magulang ng bingi, nararapat rin nating dalahin ang ating mga anak at mga mahal sa buhay kayCristo.  Paano, tanong ninyo?  Sa pamamagitan ng araw-araw na may pananampalatayang panalangin.
 
Pagisipan ninyo ito.  Halimbawang ang mga magulang ng binging ito ay siya ang nagdala sa kanya kay Jesus.  Alam nila kung gaaano kasidhi ang pangangailangan ng kanilang anak ng pansariling pakikipagtagpo.  Pagkatapos ng lahat, hindi sila maaring magmakaawa sa bata upang makarinig.  Isang kalokohan na magsumamo sila sa kanya.  At napakasama namang iparamdam na siya ay hinahatulan dahil hindi siya makapagpaliwanag ng nilalaman ng kaniyang puso.
 
Subali’t maraming mga Cristianong mga magulang, kasama na ang sarili ko, na nagiging mabagsik sa sarili nilang mga ank sa mga ganitong mga kaparaanan.  Paano?  Nagagalit tayo sa kanila dahil hindi nila maipaliwanag bakit ayaw nilang lumapit kay Jesus.  Hindi natin maunawaan kung bakit hindi nila maaring masabi  ang hinaing ng kanilang mga puso.  Ang katotohanan ay, sila’y utal sa mga espiritual na bagay.
 
Hindi ko maumpisahang maunawaan paano ang mundo ay nagbigay bunga sa kasalukuyang lahi.  Mga kabataan sa ngayon ay nagtiis ng malubha kaysa sa mga nagdaang lahi.  Naranasan nila ang katatakutan ng 9/11.  Nakita nila ang pagbabarilan sa paaralan.  Naranasan nilang makarinig ng mahahalay ng balita mula sa White House.  Nakita nila na ang mga kilalang mga evanghelista ay nalalathala sa kasamaan at kasalanan.  At ngayon nakikita nila ang mga CEOs o mga pinunu ng malalaking tangapan na nahuhuli sa pandaraya dahil nais nilang mapagbigyan ang kanilang kasakiman at pansariling pagnanasa.  Nakapagtataka ba na ang ating mga kabataan ay nalito sa kung sino at nasaan ang Dios sa kanilang mga buhay?
 
Datapuwa’t hindi malalaga kung paano nakarating sa ganitong kalagayan ang ating mga kabataan.  Walang halaga na alamin pa kung bakit naging bingi sila sa Salita ng Dios, na hindi makayanang masabi ang daing kanilang mga puso.  Pagkatapos ng lahat, ang Banal na Salita ay hindi nagsasabi sa ating paano ang bingi, utal na tao ay nakarating sa ganoong kalagayan.  Walang pasabi na siya ay ipinanganak na ganoon na nga.  Hindi na ito mahalaga.  Katulad na rin, wala na rin magagawang buti sa mga magulang na Cristiano na subukang pagaralan pa kung anong nasabi o nagawa nilang mali noong bata pa ang mga anak nila.  Nararapat na wala nang paglingon pa , wala ng pangalawang panghuhula, wala ng pagsisi sa sarili sa nangyari.
 
Ang totoo ay, walang magulang o mahal sa buhay na maaring magpayo sa binging bata.  Hindi maaring mahalin ang utal na tao sa pagsasalita ng malinaw.  Hindi maari ang ganito.  At walang pastor, tagapagpayo or kabataang ministro na makapagpapaniwala sa bata na dingin ang katotohanan.  Hindi nila maaring mahalin ito, hatulan ito, o payuhan ito.  Sila’y sadyang mga bingi.
 
May isa lamang kagamutan, isang pagasa sa ating mga anak at mahal sa buhay na makarining katotohanan.  At ito ay ang pansariling pakikipagtagpo kay Jesus.  “At ipinamanhik nila sa kaniya na kaniyang ipatong ang kaniyang kamay sa kaniya” (Marcos 7:32).  Sa salitang Greigo ng “ipinamanhik” dito ay may kahulugang magsumamo, manalangin.  Ang mga magulang na ito ay nagsumamo kay Cristo, “Maaari po ba, Panginoon, hipuin mo ang aking anak.  Ipatong mo ang iyong kamay sa kanya.”

 Ano ang unang ginawa ni Jesus noong dinala sa kaniya ang tao?


“At siya ay inihiwilay niya ng bukod sa karamihan” (Marcos 7:33) Nalaman kaagad ni Cristo kung ano ang kailangan ng binging ito.  Naghahanap ito ng paghipo niya, ng sarili niyang karanasan.  Hindi siya maaring mapalagay lamang ng bagay na “sila” ang nakatagpo.  Dapa’t itong maging tunay sa kaniya.  Nagnais siya na bukan ni Jesus ang kaniyang mga tainga at kalagan ang kaniyang mga dila.  At nararapat itong mangyari sa pagitan nilang dalawa.
 
Maaring ninyong sabihin, “Hindi mo nauunawaan.  Nakita kong nagbigay ng puso ang anak ko kay Jesus mga taon na ang nagdaan.   Lumuhod siya sa harapan na Panginoon at nanalangin.  Pagkatapos noon, tumalikod siya nanlamig, nguni’t tumakbo rin siyang pabalik kay Jesus, nagsisisi.  Nanatili siyang mabuti, mabait at hindi gumagawa na mahahalay, at ngayon, naging malahininga siya.  Para bang wala sa kanyang anoman ang tungkol sa Dios.  Ano ang nangyari?  Bakit hindi siya nagbigay ng lubusan?  Ano ang nagpipigil sa kany upang magtalaga na buong-buo?”
 
Ang kasagutan ay, wala siyang sariling pakikipagtagpo kay Cristo.  Lumapit siya kay Cristo dahil lamang sa karanasan ng Ama niya, ng karanarasan ng Ina niya, ng karanasan ng kaibigan niya.  Siya ay nagbigay ng buhay niya dahil lamang sa pangunguna ng ibang tao.  O kaya, maaring narinig niya ang mangangal na nangaral ng maapoy ng balita, natakot siya ay tumakbo kay Jesus.
 
Maraming mga nabibilang na mga dahilan kung bakit hindi nagtagal ang karanasan ng inyong anak.  Ang ibig kung sabihin dito ay, hindi niya mismo nakatagpo si Cristo para sa sarili niya.  Maaring alam niya ang katotohanan, mula sa pagmamasid kay Cristo na nasa ibang buhay.  Nguni’t hindi niya naranasan si Cristo na bilang sa kanya.  Hindi siya inihiwalay sa karamihan upang bigyan ng paghipo.  Ang pagpapahiwatig ay nararapat na nangagaling lamang sa Panginoon.
 
Kung naglingkod na kayo sa Dios sa maraming taon na, tatanungin kita:  hindi ba totoo na maari kang bumalik noong mga araw at oras na nagkaroon ka ng makalangit na pakikipagtagpo kay Jesus?   Hinipo ka niya, at alam mo yoon.  Hindi mo nakuha ang karanasan mula sa kanino man.  Hindi ito inilagay sa iyo dahil narinig mo ang isang tao na nangaral.   Naranasan mo si Cristo para sa sarili mo.  Kaya’t ikaw ay may pananalig sa anomang mayroon ka sa kanya.
 
Alam ni Jesus na ang bingi ay nangangailangan ng ganitong uri ng pakikipagtagpo.  Kaya’t nangusap siya sa tao sa sarili niyang salita: pagsasalita sa pamamagitan ng tanda. “(Siya) ay nagsuot ng daliri sa kaniyang (sariling) tainga, at dinuraan, at hinipo ang kaniyang dila” (7:33).  Naisalalarawan ko na si Jesus ay naglalagay ng kaniyang daliri sa tainga ng bingi, na itinutoru niya ng hintuturo at ginagamit ang bibig ni Cristo upang siya ay maunawaan, “Bubuksan ko ang iyong tainga.”  Pagkatapos inilabas niya ang kaniyang dila, hinipo ito, at dinuraan (maari dahil ang utal na tao ay hindi maaring dumura).  Kanyang binigyan ng diin, “Aking puputulin ang tali na humuhawak sa iyong dila.  At magiging katulad ka ng karamihan.”
 
Naiisip ba ninyo kung ano ang naisip ng binging ito?  Maaring naisip niya, “Nagsasalita siya ng aking sariling wika.  Hindi niya ako hinihilingan na unawain siya.  Nais niyang malaman kong nauuwaan niya ako! At inihiwalay niya ako upang hindi ako mapahiya.  Alam niya na ako ay mahiyain, at hindi nagnanais ng anomang pagpapakita sa mga tao.
 
“Hindi niya ako binibigyan ng mga pagtatanong o kaya ay pinagbibintangan.  Nalalaman niya mismo kung ano ang dinaranas ko.  Alam niyang hindi ko naman siya tinatakwil.  Alam niyang nais kong marinig ang tinig niya at makipagusap sa kanya.  Nguni’t hindi ko magagawa ang mga bagay na ito hangga’t ko natatangap ang malahimalang paghipo.  Nalalaman niya na nagnanais ako ng mga ito.”
 
Ang Tagapagligtas ay nagpapakita rin ng katulad nitong kabaitan at habag sa ating mga hindi pa ligtas na mahal sa buhay.  Hindi siya maglalantad sa kaninoman.  Pagisipan ninyo kung paano niya pinagingatan at pinagpaumanhinan si Saul ng Tarsus.  Ang kilalang taong ito ay nakatalaga upang magkaroon ng himalang pagpalu at papagsakin habang si Esteban ay binabato sa harap ng karamihan.  Maaring gawin niyang halimbawa sa karamihan ang pagpapabago niya ng puso ni Saul.  Nguni’t hindi niya ito ginawa.
 
Sa halip, naghintay si Jesus hanggang si Saul ay mapagisa sa ilang, nakasakay sa kaniyang kabayo, “nakahiwalay sa karamihan.”  Doon kung saan lumapit siya kay Saul, hinipo siya ng makalangit na paghipo.  At sa loob ng mga taon si Saul ay pinangalanang Pablo, ang sabi ng kasaysayan noong mga araw na yaon.  Siya ay binigyan ni Jesus ng himalang paghipo, binuksan ang bulag na mata.
 
Hindi mo kinakailangang lumakad sa mga pasilyo ng simbahan upang magkaroon ng pakikipagtagpo kay Jesus.  Ang kaniyang pinakamabuting gawain ay nangyayari sa lihim na lugar.  Kaya’t sinabi niya sa iyo, “Kung mananalangin kayo, pumaroon kayo sa silid, lihim na lugar, malayo sa karamihan.  At hanapin mo ako sa sarili mo.  Bibigyan kita ng bukas na ganting pala.”
 
“(Siya) isinuot ang kaniyang mga daliri sa mga tainga niya, at siya’y lumura, at hinipo ang kaniyang dila” (Marcos 7:33).


 Magisa sa taong ito, si Jesus ay gumawa ng bagay na pinaka hindi pangkaraniwan.


 “At pagkatingala sa langit,  ay siya’y nagbuntong-hininga” (Marcos 7:34).  Ang salitang nagbuntong-hininga dito ay nagpapahiwatig ng naririnig na pagdaing.  Makikita dito na  ang pagdaing ni Jesus ay nangaling sa puso.  Tunay nga, hindi ito narinig ng tao, dahil siya nga ay bingi.  Datapuwa’t ano ba ang pagdaing na ito? Nakabasa ako ng maraming pagpapaliwanag tungkol sa tagpong ito.  Nguni’t walang isa mang nagpapatotoo sa paniniwala kong sinasabi ng Dios sa akin.  Ako ay naniniwala na si Jesus ay nakatingala sa langit nakikipagisa sa Ama.  Siya ay tahimik na lumuluha sa kanyang kaluluwa, dahil sa dalawang bagay.  Una, lumuluha siya sa bagay na siya lamang ang nakakikita sa taong ito.  At pangalawa, lumuluha siya sa bagay na nakikita niya sa ngayon, nakasarado ang mga puso ng maraming mga tao, lalo-lalo na ang mga kabataan.
 
Ano ang nakita ni Jesus, noon at sa ngayon?  Ano ang pandinig, sa puso ng taong bingi na sinasabi dito, at sa mga puso ng karamihan sa ngayon?  SIYA AY NAKAKARINIG NG PAGDAING NA WALANG TINIG.  Ito ay pagdaing ng puso, nakasara, hindi makapagpahayag.  Ngayon si Cristo mismo ay dumaing ng daing ng hindi maaaring mabigkas.  Siya ay nagbibigay ng tinig sa mga pagdaing ng lahat na hindi makagawa nito.
 
Isipin ninyo ang maraming mga gabi na ang binging sinasabi ay dumaing sa kanyang pagtulog dahil walang isa mang makaunawa sa kanya.  Kahit na  ang kanyang ina at ama ay hindi makaunawa kung ano ang kaniyang sinasabi.  Gaano kadalas na ipinaliliwanag niya ang nararamdaman niya, nguni’t ang lumalabas lamang ay masasakit, at kakaibang mga tinig.  Maaring naiisip na niya, “Kung makapagsasalita lamang ako, kahit minsan.  Kung ang aking mga dila lamang ay makalagan kahit isang minuto lamang.  Masasabi ko na kung ano ang nangyayari sa aking kaluluwa.  Ako ay titili, ako ay  hindi tanga, hindi rin ako nasa ilalim ng sumpa.  At hindi rin ako tumatakbo palayo sa Dios.  Nalilito lamang ako.  Ako’y may suliranin, nguni’t walang sinomang makarinig nito.”
 
Subali’t narinig ni Jesus ang mga iniisip ng nawawalan ng pagasang taong ito.  Naunawaan niya bawa’t daing na hindi mabigkas.  Ang sabi ng Biblia na ang Panginoon ay nahihipo sa ating mga karamdaman.  At naramdaman niya ang nararanasang sakit ng taong ito na sanhi ng pagkabingi at pagkautal.
 
Ako ay naniniwala na si Cristo ay nagpapahayag ng sakit ng Ama sa bawa’t naririnig na pagdaing ng puso.  Siya ay Dios sa laman, dumadaing sa bawa’t pag-iyak ng hindi mabigyan ng tining:  “Anong mali sa akin?  Hindi ako galit sa Dios.  At alam kong totoo si Jesus.  Minamahal ko siya at nais ko siyang paglingkuran.  Subali’t ako ay nalilito.  Bakit hindi ko mabigkas kung ano ang nasasa loob ng puso ko?”
 
Mayroon akong labing-isang mga apo, at ako ay nanalangin araw-araw sa bawa’t isa sa kanila.  Sa ngayon, ako ay nanalangin lalo-lalo na sa isa, dinadala ko kay Jesus sa pamamagitan ng pananalangin para sa kanila.  Ito ay mabubuti, masunurin na mga bata, na may mapagmahal na mga magulang.  Lahat sila ay nagpahayag kay Cristo, at mayroon silang malambot na mga puso.  Subali’t nakita ko ang panlalamig sa kanila.
 
Hindi pa nagtatagal, nagtatalaga ako ng panahon para kausapin bawa’t isa sa kanila.  Ang sabi ko sa kanila, “Alam ninyong ang inyong mga magulang ay nanalangin  rin para sa inyo.  Alam nating kung gaano ninyo kamahal ang Panginoon, malalim sa puso ninyo.  Subali’t kayo nanlalamig?  Hindi ko na kayo naririnig na naguusap ng mga bagay tungkol sa Dios.  Hindi ko alam kung binabasa ninyo ang Biblia o nanalangin kayo.  Maari ba, sabihin ninyo sa akin kung ano ang nangyayari sa puso ninyo.  Mayroon bang nakagugulo sa inyo?”
 
Sa una, magkikibit lamang sila ng balikat.  Pagkatapos ay sasabihin na nila sa akin.  “Hindi ko alam Lolo. Hindi ako galit sa Dios.  Nalilito lamang ako.  Hindi ko alam kung maipaliliwanag ko ito.?
 
Lilisan rin akong nagugulat at nalilito.  Tinatanong ko angDios.  “Anong nangyayari?  Naririnig ko ang pagdaing, tunog na hindi mauunawaan, ang paghahanap.  Subali’t hindi nila ito maipaliwanag sa akin.  Para bang nais nilang magsabi ng bagay sa akin, nguni’t hindi nila magawa.”
 
Naniniwala akong karamihan sa ating mga kabataan ay nasa ganitong kalagayan.  Kung maipapaliwanag nila ang kanilang pagdaing ito ganito:  “Nakita ko ang lubhang pagpapaimbabaw sa mga simbahan.  Ngayon, nakita ko na sa mga pangangalakal, sa mga paaralan, kahit saan.  Mayroon akong dinadalang suliranin ng kaibigan kong babae, suliranin sa aking mga kaibigan.  Lahat ay naiipon sa akin.  Subali’t hindi ko kayang sabihin sa kahi’t na sino.  Ang mga magulang ko ay bukas sa akin, nguni’t parang hindi ko kayang sabihin sa kanila.”
 
Hindi natin naririnig ang pagdaing na ito.  Walang tao ang makaririnig nito.  At hindi rin natin dapat namaunawaan ito.  Kaya’t ano ang ating gagawin? Alam nating na ang paguusap ng puso-sa-puso ay hindi nakapagpapagaling sa binging mga tainga.  Naniniwala akong mayroon tayong tanging isang magagawa:


Dadalahin natin ang ating mga minamahal sa buhay kay Jesus, sa pamamagitan ng ating mga tuhod.


Hihilingin natin kay Cristo na bigyan sila ng kanilang sariling karanasan.  Dadalahin natin sila kay Jesus, na katulad ng ginawa ng mga magulang ng binging tao, upang makatanggap ng kanilang paghipo: “At ipinamanhik nila sa kaniya na kaniyang ipatong ang kaniyang kamay sa kaniya” (Marcos 7:32).  Tayo’y mananalangin, “Panginoon, kunin mo silang mag-isa.  Ipadala mo ang Banal mong Espiritu upang galawin ang mga puso nila.  Ipakilala mo ang iyong sarili sa kanila.  Bigyan mo sila ng iyong sariling karanasan.”
 
Hindi pa nagtatagal, ang isang kabataang lalake ay lumapit sa dambana sa isang pagtitipon ng pananalangin.  Siya ay nanginginig ay umiiyak.  Ang sabi niya sa aking siya ay mula sa Washington state, at noong maaga pa ng gabing yoon, siya ay nakarating sa ating pagtitipon na hindi sinasadya.  Siya ay umalis at pumaroon sa isang konseryerto, nguni’t iniwan niya ang konseryetong iyon.  Ngayon siya ay bumalik sa simbahan, at nais ng panalangin.  Tinanong ko siya, “Ang mga magulang mo ba ay Cristiano?”  Sumagot siya, “Oo, ginoo.  Sila ay parating nanalangin para sa akin.”
 
Tinatanong kita: ito ba isang aksidente o “hindi sinasadya” na ang kabataang lalakeng ito ay pumasok sasimbahan?  Maaring hindi.  Nagkakaroon siya ng sarili niyang pakikipagtagpo kay Cristo.  Walang isa mang nagtulak sa kanya o nagmakaawa man.  Subali’t walang tanong, siya ay nadala kay Jesus.  Paano? ako ay naniniwala ito ay nangyari dahil sa pananalangin ng kaniyang mga magulang.
 
“At pagkatingala sa langit, ay siya’y nagbuntonghininga, at sinabi sa kaniya, Ephatha, sa makatuwid baga’y, Mabuksan.  At nangabuksan ang kaniyang mga pakinig, at nakalag ang tali ng kaniyang dila, at siya’y nakapagsalita ng malinaw” (Marcos 7:34-35).
 
Nagsagawa si Jesus ng pansariling himala para sa taong ito.  At ang unang tinig na narinig ng bingi ay ang kay Jesus.  Nakatitiyak na kinausap siya ni Jesus, upang patunayan na nakaririnig na siya.  Oh! paano kaya nangusap ang taong iyon.  Sa kaniyang mga labi ay bumuhus ang nakatagong mga dinaramdam.  Nayon ay maari na niyang maipahayag ang kaniyang mga niloob at hinaing na walang tinig noon.
 
Naisalalawan ko na siya ay bumagsak sa mga braso ng Panginoon, nananagis, “Jesus, narinig mo ang tinig ng aking daing” (tingnan Mga Awit 5:2).  Isaalang-alang ang kalaliman at kapangyarihan ng Mga Awit 5 sa pinagaling na taong ito: “Dios ko....sapagka’t sa iyo’y dumadalangin ako.  Sa kinaumagaha’y didingin mo ang aking tinig, O Panginoon, sa kinaumagahan ay aayusin mo ang aking dalangin sa iyo” (5:2-3).  Ang pagibig ng taong kay Jesus ay sarili na niya.  Nagkaroon siya ng pakikipagtagpo sa Panginoon.
 
Mga minamahal, kapag kayo ay nanalangin sa inyong mga minamahal sa buhay, isaisip din ninyo ang mga pagdaing ni Cristo para sa kanila.  Hindi lamang siya dumadaing para sa isang tao sa Decapolis.  Siya ay lumuluha para sa mga hindi mailabas, nasa loob na hinaing ng inyong mga anak at sa akin.  Maaring dapa’t palitan ang pamamaraan ng pananalangin para sa kanila.  Manalangin na ang Banal na Espiritu ay habulin sila, tawagin sila, hipuin sila at gisingin para sariwang pagnanais kay Jesus:
 
“Panginoon, kunin mo ang aking anak, ang aking mga hindi pa ligtas na mahal sa buhay, ihiwalay mo sila sa karamihan.  Ihiwalay mo sila na ikaw lamang ang kasama.  At bigyan mo sila ng hipo mo.  Bigyan mo sila ng pansariling pagkakamalay.  Maging malalim nawa ito, himalang karanasan na kasama ka.”
 
Magtatapos ako sa paalala na ito:  Ikaw ba ay bingi sa mga Salita ng Dios?  Ikaw ay may saradong mga labi, hindi makapangusap ng malapitan tungkol kay Jesus?  Kung ganoon ikaw ay dapat mabilang dito.  Alam mo kung paano makarating kay Jesus.  At alam mong naririnig niya ang mga pagdaing mo.  Naghihintay siya sa iyo upang humanap ng lugar na siya lamang ang kasamamo.  Ngayon ang panahon upang lumapit  sa kanya, at siya ay lalapit sa iyo (tingnan Santiago 4:8).
 
Sa Lucas 18, nabasa natin ang taong tumungo sa simbahan upang manalangin.  Siya ay nakatayo sa likod na magisa, nakahiwalay sa karamihan.  Siya ay lubhang nangangailangan ng tulong, ang taong ito ay hindi man lamang tumitingin sa langit at dinadagukan ang kanyang mga dibdib (tingnan Lucas 18:13).  Gumagamit siya ng pakikipagusap sa pamamagitan ng tanda, at nagsasabi, “Panginoon, dinggin mo ang pagdaing ng aking puso.  Ako ay napapagod na at pakiramdam ko ay walang-wala.  Nagnanais ako ng pakikipagtapo sa iyo.  Nais kong makilala ka kung sino ka sa buhay ko.  Ikaw lamang ang nakakaalam kung ano ang nasa puso ko.  At ikaw lamang kung ano ang dinaranas ko.  Hindi ako makapanalangin, dahil hindi ako nakagapos.  Kailangin ko ng paghipo mo, Jesus.  Ikaw ay mahabag sa akin, na isang makasalanan” (tingnan (18:13).
 
Sinabi ni Cristo sa kaniya, “Nanaog at umuwi sa kaniyang bahay at taong ito na inaaringganap.....sapagka’t... siyang nagpapakababa sa kaniyang sarili ay matataas” (18:14).  Nawa ay magkanoon rin sa iyo.

 

---
Used with permission granted by World Challenge, P. O. Box 260, Lindale, Texas 75771, USA.

Times Square Church Information | New Reader Information


Plain Text File + Tagalog Sermon Index + Home Page + Subscribe + Copyright

COPYRIGHT/REPRODUCTION LIMITATIONS:
This data file is the sole property of World Challenge. It may not be altered or edited in any way. It may be reproduced only in its entirety for circulation as "freeware," without charge. All reproductions of this data file must contain the copyright notice [i.e., "Copyright © 2000 by World Challenge"]. This data file may not be used without the permission World Challenge for resale or the enhancement of any other product sold. This includes all of its content with the exception of a few brief quotations. Please give the following source credit: Copyright © 2000 by World Challenge, Lindale, Texas, USA.

This material is solely for personal use and is not to be posted publicly on other web pages. The Lorain County Free-Net Chapel holds exclusive rights from World Challenge, Inc. to publicly post these messages on its web page. You are free to download, copy, print and distribute this material, so long as you do not post it on a different Internet site. You may, however, link this site to reference these messages.


This web site is a service of
The Missing Link, Inc.®
Linking Troubled Youth and Adults with Life-Changing Programs
Web Site - http://misslink.org
Chapel Site - http://misslink.org/chapel2.html
Home of David Wilkerson's World Challenge Pulpit Series Multilingual Web Site
http://www.tscpulpitseries.org


Copyright © 2000 - The Lorain County Free-Net Chapel
North Central Ohio, U.S.A.

TOP OF PAGE

Our webmaster welcomes your comments and suggestions.
This page was last updated April 5, 2000.

Why Revival Tarries/ "Help!"/ What's Here/ Sponsor/ Statement of Faith/ Bible Study
Around the Piano/ Bulletin Board/ Library/ Pulpit Series