Click here to go to World Challenge Pulpit Series
multilingual site

Ang Patotoo nang Dios sa mga Bansa!
(The Lord's Testimony To the Nations!)


Plain Text File + Tagalog Sermon Index + Home Page + Subscribe + Copyright + Cover Letter

By David Wilkerson
May 31, 1999
__________

"At ipangangaral ang evangeliong ito ng kaharian sa buong sanglibutan sa pagpapatotoo sa lahat ng mga bansa; at kung magkagayo'y darating ang wakas" (Mateo 24:14).

Marami sa mga simbahan sa ngayon ay sinosubokang alamin ang nalalapit nang pagbabalik in Cristo sa pamamagitan nang bagbabasa nang pangitain nang panahon. Nakita natin ang mga pangitaing ito sa partikular na pangyayari - halimbawa, ang pagbabalik nang mga Judeo sa Israel. Pero isa sa maliwanag na mga pangungusap ni Cristo patungkol sa kanyang pangalawang pagbabalik ay nasasaad sa mga versikulo sa itaas: Ang katapusan ay darating lamang pagkatapos na ang katuruan ay naipangaral na sa lahat nang mga bansa - bilang patotoo.

Ang mga salitang ginamit ni Jesus para sa "patotoo" sa versikulong ito ay ganoon ding salita na ginamit sa "Greigo" para sa "patotoo." Sa madaling sabi, sinabi niya, ang katuroang ipinangangaral namin ay "may kabuluhan" lamang kung ito ay naipapakita sa buhay na nagpapatotoo sa kanyang katotohanan.

Iisipin ninyo na sa America, ang bansang puno nang libong-libong evangelical na simbahan, ay mayroon nang malakas na papatotoo sa katuruan. Sa isang malaking lungsod sa kanluran lamang, mayroong mahigit na 2,000 "evangelical" na mga simbahan, isa ay may kaanib na 15,000 katao pataas.

Ngunit marami sa mga simbahang ito ay ikinompormiso ang tunay na katuruan ni Cristo. Ang paghihiwalay nang mag-asawa ay laganap sa mga kongregasyon. At marami sa mga kabataang wala pang asawa ay nangunguna at pumapayag sa pamumuhay na aktibo sa laman. Paano nangyari ito, tanong ninyo? Ang katotohanan ay, kahit sa lahat nang evangelical na pagtuturo at marami sa mga malalaking simbahang ito, mayroong napakaliit na patotoo nang pagka-Dios ni Cristo sa pamumuhay nang mga tao para patunayan ito. Hindi sila mga tunay na patotoo sa lungsod o sa bansa.

Siyempre, mayroong hindi kasali. Sa isang partikular na lungsod na iniisip ko, may alam akong karampot na mga kabataang ministro na nag-umpisang nagugul nang maraming panahon sa kanilang mukha sa harapan nang Dios. Ngayon, kapag sila ay nagpapahayag nang salita nang Dios, nangungusap silang mang kapangyarihan. Ang katuruang kanilang ipinangangaral ay nasasalalayan mula sa patotoo nang pagiging malapit nila kay Cristo at banal na paglakad. At umpisa nilang nakita ang kaibahan sa pamumuhay nang kongregasyon.

Naisip ko rin ang isang pastor sa Baptist na sa isang panahon ay nagplano na mag-pagawa nang napakalaking bagong gusali. Ang kongregasyon ay lumalagong mabilis, at nag-umpisa siyang pag-aralan ang galaw nang paglagong ito. Ngunit ang nangyari, ang kanyang asawang babae ay nahipo para manalangin at hanapin ang Dios, at hindi nagtagal ang pastor ay ganoon na rin ang ginawa. Mabilis niyang inalis ang kanyang pangarap at nagumpisa siyang maging patotoo sa kanyang ipinangangaral.

Sa kailan lamang na sermon, ang pastor ay naglagay nang malaking telon sa harap nang simbahan. Sinabi niya sa kongregasyon, "Ang Espiritu nang Dios ay nangungusap sa akin patungkol sa mga kasalanan nang simbahang ito. At ngayon ay makikita natin ang mga ito sa pamamagitan mismo nang ating mga mata!"

Isa-isang pinakita nang pastor ang mga kasalanan sa telon-- pakikiapid, pangangalunya, pag-iinom nang alak, pag-gamit nang bawal na gamut, panood nang malalaswang panoorin. At saka siya nag-umpisa nang kanyang pangangaral: "Hindi na tayo maguumpisa nang pagpapagawa nang malaking simbahan sa ngayon. Kailangan nating makuha ang buhay na tabernakulo ni Cristo, maituwid tayo, bago tayo makagagawa nang ano pa man. Dapat nating ipamuhay muna ang katuruang ito!"

Sa ngayon ang Espiritu nang Dios ay gumagalaw na may kapangyarihan sa simbahang iyon. Ang mga tao ay lumalapit sa Dios, itinutuwid ang mga buhay - dahil nakakarinig sila nang katuruang may patotoo sa likod nito!

Ako ay namamangha sa bilang nang mga ministro, maging bata o matanda, na tumatakbo paikot-ikot sa buong mundo at humahanap nang pamamaraan para magkaroon nang paglago sa kani-kanilang simbahan. Ngayon, maraming mangangaral ay dumadalo sa mga pag-aaral o pagtitipon o kaya ay sumasali sa mga grupo na nagsasaliksik sa pamamagitan nang makabagong pamamaraan, kung saan ang mga batang mangangaral na dalubhasa ay gumagamit nang nakahandang plano at gagawin o kaya ay mula sa hininging pala-palagay ng mga tao, para ipakita kung paano gumawa nang malaking simbahan. Ang ibang mangangaral ay tumutungo sa mga gawaing nagsasaad nang muling pagkakaroon nang buhay na pananampalataya, umaasang matototo nang mga bagong pamamaraan at kung paano ang Banal na Espiritu ay bababa sa kanilang samahan.

Sa ngayon, ang samahang "mission societies" ay nagpapadala nang maraming mangagawa kaysa sa dati. Ang kanilang iniiyak at nais ay "kailangan nating makakuha nang maraming mangagawa para sa larangan nang pagmimisyon! Mga lalaki at babae na may sapat na kaalaman ang kailangan para makuha natin ang mga bansa para kay Cristo."

Pero napakarami sa mga misyonaryong naipadala na ay umuuwi sa loob nang mga ilang taon. Sila ay natalo, pinanghinaan nang loob, ibinagsak nang makademonyong lakas sa mga bansang iyon. Bakit? Ang kanilang pamumuhay ay hindi naayon sa katuruan na kanilang ipinanangangaral! Hindi sila kailanman nagkaroon nang unang kaalaman nang pagkaDios ni Cristo o ang kapuspusan nang banal na Espiritu.

Mga minimahal, nangangailangan nang higit pa sa mga bagong kaisipan o pamamaraan para hipoin ang mga bansa para kay Cristo. Lahat nang ating plano ay magiging bali wala kapag si Cristo ay hindi siyang naghahari sa bawat bahagi nang ating buhay!


Ito ay Malagim na Panahon Kapag ang Lakas
nang mga Laban kay Cristo ay Dumating na
sa Isang Makapangyarihang Lakas!


Kailanman sangayon sa salaysay na mayroong inaasahang pag-agos nang makademonyong espiritu na nagmumula sa kailaliman nang impiyerno. Ang paglabag sa mga batas ay laganap sa buong mundo, bansa laban sa bansa. At lahat nang ito ay nangyayari dahil pinakawalan na ni Satanas ang kanyang galit laban sa mga santo.

Ngunit ang Dios ay kailanman hindi mahuhuling hindi nakabantay sa ano mang nangyayari sa ating mundo. Hindi siya nagugulat sa nakatakot na peste sa bawal na gamut o sa dugong ipinapaligo nang pag-puksa sa mga sanggol sa sinapupunan nang mga babae. Kayat ano ang sagot niya sa panahon nang kaguluhan at kasamaan? Ano ang kanyang minumungkahi na panglaban sa paglago nang makademonyong kapangyarihan at pag-talikod sa pananampalataya? Ano ang gagawin nang Dios sa ganitong panahon nang kasiraan?

Ang kasagutan niya ay ganoon rin mula pa noon - na maipamalas ang katagumpayan ni Cristo sa panibagong paraan. Ang Dios ay parating sumasagot sa pagtatayo nang mga bagong natira pang mga lalaki at babae na magiging purong patotoo sa kapangyarihan nang kanyang pagliligtas at paglilinis. At ganoon rin at totoo sa ngayon. Ang plano niya ay para dalahin sa gitna nang gawain nang mga taong laban kay Cristo, ang mga taong hiwalay sa mundong ito, puno ni Cristo at tagumpay - makaDios na mga lalaki at babae na namumuhay sa buong pagpapailalim sa kapangyarihan at pagiging Dios niya.


Makikita Natin ang Ganitong Halimbawa sa
Buong Banal na Kasulatan!


Isaalang-alang natin ang naging sitwasyon nang Israel sa Egipto. Ang bansa nang Dios ay napailalim sa kagilagilalas na pagkasira na may laganap na tuwirang paglabag sa pananampalataya. Napailalim ang Israel sa kapangyarihan ni Satanas, matalinong pinangunahan ang araw-araw na mga batas laban sa kanila at pinahirarapan sila. Pinagtawanan at hinamak ang patotoo nang Dios sa sangkalupaan.

Iyon ay madilim na panahon sa kasaysayan nang Israel. At mabilis na ang mga tao ay nawalan nang pag-asa. Nag-umpisa silang umurong sa pananampalataya, nagumon sila sa kamunduhan at layaw nang katawan na ibinibigay nang Egipto. Pagsamba sa dios-diosan at pakikiapid ay laganap. Ang kalagayan nang Israel ay parang wala nang pag-asa. Ang pananampalataya sa bansa ay dahan-dahang namamatay.

Ano ang sagot nang Dios sa ganitong pagtaas nang kapangyarihan nang kadiliman? Gumawa ba siya nang kaguluhan sa nakapaligid na kaharian para magsilbing pangtuwid sa Egipto? Nagbuo ba siya nang geyera sa loob nang Egipto? Nagpadala ba siya nang magpaparusang mga anghel? Hindi - Ang Dios ay hindi gumawa nang ganitong bagay. Mayroon siyang kakaibang plano. Sa halip, ipinatong niya ang kanyang kamay sa isang tao, itinayo niya si Moses!

Si Moses ay taong paladasalin, buong-buo sa panginoon. Tumangi siya sa kalayawan at kagaanan nang mga pagsubok nang Egipto, kung hindi namuhay siya sa kapangyarihan nang Banal na Espiritu. Wala siyang plano at sariling layunin para sa sarili. Iniwan ang lahat niyang makataong kakayanan, umasa sa biyayang nagmumula sa makapangyarihang Ako. At nagmula siya sa banal na lupa, na may unang pangitain na kabanalan nang Dios.

Kayat sa pinakamadilim na panahon nang kasaysayan nang Israel, na para bang ang mga tao nang Dios ay nagpabaya na sa kaaway, nagtayo ang Dios sa kalagitnaan nang lahat nang ito isang tao na magsisilbing patotoo. At ibinagsak niya ang buong bansa habang itinataas ang iba. Ginawa lahat ito nang Dios sa pamamagitan nang isang tao!


Nakita rin Natin ang Parehong Plano
na Nakapaloob kay Samuel.


Dito makikita natin ang ibang panahon nang pagtalikod sa pananampalataya. Noong panahong iyon, ang arko ay naroroon sa Israel. Si Eli, ang pinakamataas na seserdote nang buong bansa, ay tamad at pabaya, hinayaan ang kanyang anak na masira ang pagpaseserdote. Sa ilalim nang kanilang pamumuno, pakikiapid ay laganap sa buong templo. Ngunit si Eli ay naging sanay na sa maluwag niyang pamumuhay, hindi siya gumawa nang ano man para maputol ang kasamaan.

At dumating na ang Dios ay nagsulat nang salitang "Ichabod" sa buong relegiosong samahan, na may kahulugang, "Ang Espiritu nang Dios ay lumisan na." Minsan pa, ang makademonyong lakas ay tumayo sa kanyang kapangyarihan. At sa natural na pagmamasid, ang gawain nang Dios ay nawalan nang malaki, at ang pag-asang makabawi ay parang hindi mangyayari.

Ngunit ang Dios ay may tauhan na nakalugar sa lahat nang iyon - ang munting batang ngalan ay Samuel. Habang ang lahat nang ministro sa paligid niya ay naaabala sa pakikiapid at katakawan, si Samuel ay natotong makinig sa tinig nang Dios. At habang siya ay patuloy na lumalapit sa Panginoon, pinupuno naman siya nang mga salitang may pagtanaw sa hinaharap mula sa Banal na Espiritu o "Propesiya". Naging patotoo siya- buhay na patotoo nang kapangyarihan nang Dios!

Sangayon sa banal na salita, na habang lumalaki si Samuel, wala sa kanyang mga sinabi ang bumagsak sa lupa - na ang ibig sabihin, ay patuloy siyang nangungusap na may kalakasan at kapangyarihan. At dahil sa kanyang makaDios na kapangyarihan, walang bansa ang nagkaroon nang lakas para labanan ang Israel sa mahigit na apatnapong taon.

Minsan pa, ang Dios ay nagtayo nang isang tao para patotoo sa buong bansa. Hindi kailangan nang Dios ang mga sundalo, hindi rin samahan nang mga tao, hindi rin "mga bagong bagay." Ang kanya lamang kailangan ay isang matuwid na tao - taong ang ginagawa ay nakatalaga buo sa kanyang banal na pamamaraan.


Nakita rin Natin ang Parehong
Halimbawa sa Panahon ni Nehemias.


Sa panahon ni Jeremias ang pader nang Jerusalem ay sira, ang lungsod na binuo mismo nang mga bato. Ang buong simbahan ay tumalikod sa pananampalataya, walang naiwang patotoo. Ang kasamaang nakapaligid sa Israel ay patuloy silang pinahihirapan, pinagtatawan ay hinahamak ang bawat gawain nila.

Paano sumagot ang Dios sa ganoong panahon nang pagkasira? Nagpadala ba siya nang turuang sundalo mula sa Shushan para tulungan sila? Nagpadala ba siya nang bantay mula sa palacio para patayin ang kaaway? Hindi, minsan pa ang Dios ay nagtayo nang isang tao - Nehemias.

Ito ay isang tao na nakikibahagi sa kabigatan nang nasa puso nang Dios. Ginogul ni Nehemias ang panahon sa pananalangin, pagaayuno at pakikiramay, dahil ang puso niya ay wasak sa kalagayan nang Israel. Nagpatuloy rin niyang hujayin ang salita nang Dios, pinanghahawakan ang mga salitang mula Dios and gumagalaw sa Espiritu.

Kahit na si Nehemias ay nagsilbing katiwala ng saro para kay haring Artajerjes, nanatili siyang hiwalay sa lahat nang kasamaan nakapaligid sa kanya. Sa gitna nang kamunduhan, kawalan nang moral at kawalan nang Dios sa Israel, nanatili siyang banal sa paglakad na kasama ang Dios. At ang kapalit, bawat isa na marinig siyang mangaral ay nalilinis ang kaluluwa.

Hindi nagtagal ang panibagong sigla para sa kabanalan ay dumating sa kalupaan o ang pagkabuhay muli nang pananampalataya. "At ang mga seserdote at ang mga Levita ay nangagpakalinis; at kanilang nilinis ang bayan, at ang mga pintuang-bayan, at ang kuta"(Nehemias 12:30). Ang tahanan rin nang Dios ay nalinis, at ang mga bagay mula sa laman ay inalis. Nagpadala nang tauhan si Nehemias sa templo, at sinabi sa kanila, " Ang nais ko na bawat bagay na marumi ay ilabas. Huwag magiiwan nang anomang may kinalalaman sa Dios-Diosan at kalaswaan. Kuhanin lahat ninyo at sunugin!"

Mga minamahal, ito ang nais nang Dios sa pagkabuhay muli nang pananampalataya. Ito ay patungkol sa paglilinis nang bawat bahagi nang ating puso na marumi at walang kabanalan. Nais niyang walang madilim na lugar na maiwan!

Saan kihuna ni Nehemias and ganoong banal na kapangyarihan, na naglikha nang takot sa mga taong nagkakasala, at nagbalik sa kanila nang makaDios na takot sa templo? Hindi ito ibinigay nang hari sa kanya. Walang pinuno nang simbahan na nagbigay nito sa kanya. Hindi rin niya ito natotonan sa mga paaralan nang Biblia.

Hindi, nakuha ni Nehemias ang kapangyarihang ito mula sa pagluhod - pagluha, pusong basag sa Dios, pagnanais na makikila ang puso nang Dios. At dahil siya ay taong mapanalanginin, nagawa niyang ihingi nang kapatawaran ang kasalanan nang nang buong bansa: "Pakinggan ngayon ng iyong tainga, at idilat ang iyong mga mata, upang iyong dinggin ang dalangin ng iyong lingkod, na aking idinadalangin sa harap mo sa panahong ito, araw at gabi, dahil sa mga anak ni Israel na iyong mga lingkod, habang aking ipinahahayag ang mga kasalanan ng mga anak ni Israel, na aming ipinagkasala laban sa iyo. Oo, ako at ang sangbahayan ng aking magulang ay nagkasala. Kami ay lubhang nagkahamak laban sa iyo, at hindi nangagingat ng mga utos mo"(1:6-7).


Mayroong Nakagugulat na Nasulat nang Pagsuway
sa Pananampalataya sa Panahon ni Ezekiel -
at Noong mga Panahong Yaon,
Ang Dios an Humanap nang
Isang Magiging Kanyang Patotoo!


Ang Israel noong panahon ni Ezekiel ay palalo. Mga lalaking nakatalaga sa paggawa nang kasamaan sa mga asawa nang kapitbahay nila at maski na mga manugang nilang babae ay dinudungisan. Ang minsang banal na mga propeta ay nagsipagtalikod sa pananampalataya, naging mga mapagmahal sa salapi at nawalan nang pangunawa sa pagitan nang banal at hindi. At ang pinunu nang bansa ay naging mapanilang hayop mandaraya, nagbubuhos nang dugo, sinungaling at pinahihirapan ang mahihirap. Sa tunog ay halos pareho sa ating kapanahonan.

Nakalimutan nang Israel ang pamamaraan nang Dios, ang sabi nang Panginoon, "Ang tahanan nang Israel ay naging walang halaga sa akin!" Ang bansa ay nanghina, makamundo at walang lakas kayat ginawa nang Dios na kakatatawanan ito sa mudno. Sinabi niya, "Tinangihan ninyo ang mga banal na bagay, binigay ninyo ang inyong sarili sa kamunduhan, aalisin ko sa inyo ang inyong patotoo!"

Ang propetang Ezekiel ay matanda na noong panahong iyon, at halos palipas na. Kayat paano ang Dios gumalaw sa gannong kalagayang? Sinabi niya kay Ezekiel, "Humanap ako nang tao mula sa kanila, na magbabalanse, at mamamagitan sa harapan ko at nang sangkalupaan, para hindi ko puksain ito: ngunit wala akong nakitang sinuman" (versikulo 30).

Muni-munihin ninyo - Ang buhay nang Israel ay nakasalalay sa kung ang Dios ay makakatagpo nang isang matuwid na tao para maasahan. Ngunit sinabi niya kay Ezekiel, "...pero wala akong natagpuan. Kung ganoon ibubuhos ko ang galit ko sa kanila..."(versikulo 30-31).

Sinabi rin nang Dios ang ganitong bagay kay propetang Jeremias: "Magsitakbo kayong paroo't parito sa mga lansangan ng Jerusalem, at tingnan ngayon, at alamin, at hanapin sa mga luwal na dako niyaon, sinoman na gumagawa ng kaganapan, na humahanap ng katotohanan; at aking patatawarin siya" (Jeremias 5:1). Sinabi niya sa propeta, "Patatawarin ko ang buong bansa kung makakatagpo ako nang kahit na isa na tatayo sa pagitan. Ang kailangan ko lamang ay isang kaluluwa na ang kabuoan ay nakasuko sa aking kagustuhan!"

Mga minamahal, ngayon naririnig natin ang tinig ni Babel sa mga simbahan umiiyak nang mga makabagong pamamaraan para makapangaral sa buong mundo. Kayat maraming hindi kapani-paniwalang , makalamang gawain ang sinosubokan. Ngunit, sa maraming taon nang pagmiministeryo, nakita ko ang ganitong gawain ay dumarating at nawawala rin. Sila ay umaasa sa pagbibigay layaw sa laman; wala silang kinalalaman sa krus. Ang mga tao nilang natipon ay namumuhay na tuyot, hungkag na pamumuhay, hindi sila nakarinig nang katuruan nang buhay na hiwalay sa mundo at ano mang maibibigay nito. Tinatangihan nang mundo ang ganitong mga gawain, kinikilala nila itong kalokohan.

Kahit sinong ministro o tagapagsabi ay puweding gumawa nang ganoong walang halagang bagay. Ang tao ay puwedeng mamuhay na katulad nang demonyo ay magpatupad nang parang makaDios na mga gawain. Sa katotohanan, ang kailangan lamang ay isip na matalino at mga pamamaraan nang tagapinuno para magtayo nang napakalaking simbahan. Ngunit kapag ginawa mo nitong hiwalay sa Dios - na walang katuwiraan o kabanalan - magigi itong mabahong amoy sa Dios. Ito ay katuruang hindi nasasalalayan nang katotohanan na may patotoo. Wala itong kapangyarihan para magpalaya!

Napansin ko rin sa pagdaan nang mga panahon na habang ang mga ministro o mangangaral ay lumalayo sa pananampalataya, lalo namang nangangaral sila nang mga katuruang pang-aliw lamang at "mga bagong gawain" para magparami nang tao. At umaasa siya dami nang dumadalo at pananalapi para husgahan ang kanyang tagumpay. Pero walang kasamang patotoo sa ganoong gawain - dahil sila ay nasa ibang katuruan, ibang Cristo!

Ang tunay na makaDios na pastor ay may isa lamang layunin sa kanyang ministri: ang magbigay na walang pahinga sa kanyang kaluluwa hanggang mapaghari si Cristong Panginoon sa lahat nang bahagi nang kanyang buhay - at dalahin ang sarili niya at ang kaniyang tupa sa pamamahala nang Banal na Espiritu!


Sinumang Lumalakad sa Patotoo sa Mapag-ingat
na Kapangayarihan nang Katuruan ay Magiging
Pinakatampolan nang Galit ni Satanas!


Kung ikaw ay nagugutom ay nauuhaw sa kapuspusan ni Cristo, si Satanas ay nagpahayag nang tuwirang pakikipaglaban sa iyo. Pag nakakita siya nang katibayan na ang iyong pakikiisa kay Cristo ay totoo - ang iyong kasipagan sa pananalangin, ang iyong pag-tanggi sa sarili - gagamitin niya ang bawat sandata mula sa impiyerno para subukang sirain ang iyong patotoo. Bakit? Ang patotoong iyon ay siyang sagot nang Dios pag- talikod sa panampalataya at pag-kasira!

Ito ay ang mainit na lugar sa kasaysayan ni Daniel. Gumawa si Satanas nang maingat na plano para ang nag- iisang patotoo sa kapangyarihan nang Dios sa Babilonia ay masira. Ito pinakatampokan sa maputing mainit na hurno para patayin ang lahat na katibayan nang katutuhanan nang katuruan nang Dios.

Tatlong maka-diosna mga batang Israelitas nagsilbi sa mataas na pamahalaan sa Babilonia - mga lalaking nakitaan nang patotoo nang katuruang kanilang pinangangaral. Inihiwalay nila ang kanilang sa makamundong pamumuhay sa Babilonia, itinalaga nila ang kanilang buhay kaysa sa pananalangin. Itong tatlong taong ito ay hindi mga propeta or seserdote, sila ay mga pangkaraniw lamang. At naging mga tapat sila sa Dios at puro ang puso sa gitna nang makasalanang karamihan.

Siyempre ito ay nagpagalit kay Satanas, at pumasok siya sa puso nang masamang hari nang Babilonia. Kaagad nagtayo ang hari nang napakalaking gintong larawan at inihihayag niyang ito ay opisyal na pangbansang Dios, ang bagay na dapat sambahin. At pinatawag niya ang bawat opisyal and tagapaglingkod mula sa bawat bansa na nasa ilalim nang kanyang mga kamay, para maipakikilala ang bagong reliheyon. Kapag pinatugtug na ang musika para sa pagtitipon, bawat isa ay yuyokod sa bagong Dios na ito.

Inudyukan rin ni Satanas ang hari na magtayo nang malaking batong hurno at pinainit niya itong mabuti na para ang puting mainit na lagablab ay makikita nag bawat isa. Tatanungin ko kayo - bakit ginawa ni Satanas ito? Alam niyang walang gobernador, hukom or pinunu nang polisya saan man sa Babilonia na puweding tumanggi sa bagong batas. Hindi nila kailangang himukin or takutin.

Ang katotohanan, lahat sila ay maaring nagtataka. "Hoy, sino ang gustong umilig sa banka? Lahat tayo ay mabuti - mayroon tayong kasaganaan, pag-kain at inumin, mabuting buhay. At itong bagong reliheyon ay madali sa kaluluwa. Sino ang gustong umayaw sa lahat nang ito?"

Kayat, para ano ang ibig sabihin nang hurnong ito? Ito ay buong kagagawan ni Satanas- para sirain ang tatlong batang lalaking ito. Gusto niyang patayin ang nalalabing patotoo nang Dios sa Babilonia!

Ang demonyo ay nagpalaot hanggang sirain niya ang hari at ang buong pamahalaan para lamang makuha ang tatlong lalaki. Gumawa siya nang sitwasyong malubha, na may mataas na panganib, walang sinomang sa kanyang makataong lakas - hindi rin kahit na ang makaDios na mga batang lalaki - ay puweding harapin ito na hindi sila nawawasak.

Ngunit sa unang pagtunog nang musika, hindi sila yumukod. Nagalit nang husto si Satanas dahil dito! At mula sa mga bibig nang hari ay lumabas ang masasamang salita, "...at sino ang Dios na puwede kayong ialis sa aking mga kamay?" (Daniel 3:15). "...painitin ang hurno...pitong beses pa kaysa sa dapat na init nito" (versikulo 19).

Ngayon ang demonyo ay mayroong tagapaglingkod nang Dios sa kanyang mga matang, tinatakot. "Sino sa palagay ninyo kayo, na puwede kayong tumakas sa sitwasyon na inilagay ko para sa inyo? Ibabagsak ko kayo ay sisirain ko ang patotoo ninyo lahat!"

Ganoon rin sa ngayon, ang init na ating hinaharap ay mas mainit kaysa sa mga nag-daang generasyon. Halimbawa, naghasik si Satanas nang buong pamamaraan sa ating panahon - sinisira nang mga tukso at kamunduhan. Bakit natin hinaharap ang ganitong maputing-mainit na hurno nang mga tukso sa ngayon? Bakit ang layaw nang laman at kamunduhan ay siyang ginagamit para maipagbili ang bawat makikita at uri nang produkto? Bakit mayroong daang-daang mga malalaswang "websites" sa "Internet?" Sino ang pinupuntirya nitong baha nang karumihan na ito?

Hindi ang masasamang laganap - iyong mga anak na ni Satanas, sang-ayon sa Banal na Kasulatan. Hindi ito para sa mundo, na dati na silang nakuha ni Satanas. Hindi, ang pinupuntirya ni Satanas ay wala sa mga ito. Kung hindi, gumagalaw siya sa mga taga-pamahayag para malansi ang puso nang mga Kristiyanong nag-tagumpay na. Gusto niyang pahinain at sirain ang patotoo nang katuruan!

Sa ngayon ang hurno ay pinainit na pitong beses sa buhay nang mga mananampalataya. Gumawa si Satanas nang mga sitwasyon sa kanilang mga tahanan, sa mga pinamamasukan sa kanilang pakikipagkapwa na mas malubha kaysa sa dati. At marami sa mga minsang malalakas na Kristiyano ay sumusuko na, umaalis sa Dios. Hindi na sila nagdarasal para tulungan. Sa halip, iniisip nila, "Ang mga pag-subok ko ay napa-kalubha para malagpasan ko ito at mabuhay!"


Purihin ang Dios, Ang Tatlong Lalaki
ay Nanatili sa Kanilang Patotoo at
Binagsak ang Plano ni Satanas!


Inikot nang Dios ang plano nang demonyo para sa pagkakataon at maipamalas sa buong bansa nang Babilonia ang kanyang patotoo. Dahil ang tatlong mga batang lalaki ay hindi yumukod, iniligtas sila nang Dios. At dinala sa bansa ang maliwanag na pagpapahayag nang Panginoong si JesuCristo.

Nagsalita ang hari ng Babilonia, "Di baga ang ating inihagis ay tatlong gapos na lalake sa gitna ng apoy? Sila'y nagsisagot, at nangsabi sa hari, Totoo, Oh hari. Siya'y sumagot, at nagsabi, Narito, aking nakikita ay apat na lalake na hindi gapos, na nagsisilakad sa gitna ng apoy, at sila'y walang paso; at ang anyo ng ikaapat ay kawangis ng isang anak ng mga dios" (Daniel 3:24-25).

At binago nang hari ang unang batas sa pagsamba sa Dios-Diosan. At mabilis siyang nagpalabas nang bagong kautusan: "Kung ganoon gumawa ako nang kautusan, Na ang bawat tao, bansa, at salita, na nagsasabi nang anomang laban sa Dios nina Shadrach, Meschach, at Abednego, ay pagpuputol-putolin sa mga piraso, at ang kanilang mga bahay ay gagawing dumihan: sapagkat't walang ibang dios na makapagliligtas ng ganitong paraan" (versikulo 29).

Mga minamahal, ito ay nangyari dahil sa patotoo nang tatlong lalaki - matutuwid na nagmamahal sa Dios na handang ibigay ang kanilang buhay sa pananampalaya. Itong tatlong may mababang loob na mga mangagawa ay siyang may kinalalaman sa pag-babago nang batas sa kalupaan!

Oo, ang mga bagay ay patuloy na magiging mainit sa pananalapi, sa ating katawan, pag-iisip, at sa espiritual at sa bawat ano pa mang paraan. Ngunit ang Dios ay nagpatong na nang kanyang kamay sa mga taong hiwalay sa mundong ito, makaDios na mga lalaki at babae sa bawat lugar. At ang kanyang katuruan ay ipapangaral bilang patotoo.

At ang Panginoon ay darating!

---
Used with permission granted by World Challenge, P. O. Box 260, Lindale, TX 75771, USA.


Plain Text File + Tagalog Sermon Index + Home Page + Subscribe + Copyright + Cover Letter

Times Square Church Information | New Reader Information


COPYRIGHT/REPRODUCTION LIMITATIONS:

This data file is the sole property of World Challenge. It may not be altered or edited in any way. It may be reproduced only in its entirety for circulation as "freeware," without charge. All reproductions of this data file must contain the copyright notice [i.e., "Copyright © 1999 by World Challenge"]. This data file may not be used without the permission World Challenge for resale or the enhancement of any other product sold. This includes all of its content with the exception of a few brief quotations. Please give the following source credit: Copyright © 1999 by World Challenge, Lindale, Texas, USA.

This material is solely for personal use and is not to be posted publicly on other web pages. The Lorain County Free-Net Chapel holds exclusive rights from World Challenge, Inc. to publicly post these messages on its web page. You are free to download, copy, print and distribute this material, so long as you do not post it on a different Internet site. You may, however, link this site to reference these messages.


This web site is a service of
The Missing Link, Inc.®
Linking Troubled Youth and Adults with Life-Changing Programs
Web Site - http://misslink.org
Chapel Site - http://misslink.org/chapel2.html
Home of David Wilkerson's World Challenge Pulpit Series Multilingual Web Site
http://www.tscpulpitseries.org


Copyright © 2000 - The Lorain County Free-Net Chapel
North Central Ohio, U.S.A.

TOP OF PAGE

Our webmaster welcomes your comments and suggestions.
This page was last updated February 4, 2000.

Why Revival Tarries/ "Help!"/ What's Here/ Sponsor/ Statement of Faith/ Bible Study
Around the Piano/ Bulletin Board/ Library/ Tagalog Sermon Index? Pulpit Series